34. I love her, but...

128 4 0
                                    

CHAPTER 34: I love her, but…

“DO YOU want to sched an appointment with me on my clinic? I think you’ll go crazy because of that heartbreak.”

Mapait siyang tumawa dahil sa sinambit ni Sigmund, na ngayo’y kasalukan niyang kausap sa video call, at saka niya tinungga ang hawak na bote ng alak; hindi na siya nag-abala pa’ng gumamit ng baso.

Pag-uwi niya kanina galing sa bahay ng kaibigang si Hensin; matapos niyang makita ito kasama si Zyjill; at matapos niyang malaman na nagkabalikan na nga ang dalawa, agad niyang inilabas ang lahat ng alak na me’ron siya’t nagpakalasing dito sa sala niya.

Pagkatapos n’on, nang maramdaman na ang tama sa katawan niya, tinawagan niya ang kaibigan niyang si Sigmund, dahil gusto niya ng kausap.

“No thanks, Bro.” Nginisian niya ito. “Baka nalilimutan mo na isa rin akong psychiatrist. I’m goin’ to have session with myself. And I think, I need to prescribe a medication because of this hurtful feeling.” Kapagkuwa’y tumawa siya’t muling lumagok sa hawak niyang bote.

“Tsk tsk tsk. I told you, nasa huli ang pag-si-sisi. So, what’s your plan? Let go Hensin and move on?”

Muli siyang mapait na ngumisi, habang ang mga mata ay nasa boteng hawak niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Ngayon niya lang naramdaman ‘to sa tanang buhay niya. Kaya wala siyang idea sa kung ano ba’ng dapat gawin ngayon.

Kaya naman ay marahan siyang umiling, at saka tumingin sa screen ng laptop niya, kung sa’n nakikita niya ngayon ang kaibigan. “I don’t know. Para’ akong tangang nag-walk out kanina nang makita ko silang dalawang magkahawak ang kamay at masayang magkasama.” Pumikit siya, at sa muling pagmulat ng mga mata niya, sumabay na ang pagbagsak ng luhang pilit niyang pinipigilan mula pa kanina.

Lumuluha siyang humarap kay Sigmund. Wala na siyang pakialam kahit na magmukha pa siyang tanga sa paningin ng kaibigan. “You’re right, Sigmund. Pilit ko lang itinatanggi noon, dahil masyado nang malalim ang samahan namin bilang magkaibigan. Eversince, I already had feelings with her more than I know.” Napahilamos siya sa mukha gamit ang isang kamay, wala nang pakialam sa mga luhang kumalat na sa mukha niya. “’Yon ang totoong dahilan, kaya ayaw na ayaw ko kay Zyjill, kasi naiinggit ako sa kaniya, dahil siya ang mahal ni Hensin.” Mapait siyang tumawa. “I’ve got jealous without knowing it. I’m such an idiot.” Muli siyang mapait na tumawa, bago ikinuyom ang isang kamao’t idiniin sa magkalapat niyang labi, para pigilan ang gustong kumalawang hikbi mula sa bibig niya.

“I love her, but…” Mariin niyang naipikit ang mga mata niya. “But, she’s into someone else.” Muli siyang nagmulat at hinayaang tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. “I know how much she loves that man; I saw with my own naked eyes how she cried because of that asshole; that asshole she love so much. Kaya sa tingin mo, ano pa ba’ng magagawa ko? Ilang beses na siyang pinaiyak ng gagong ‘yon, but, she always ends up on his arms. Yes, may espesyal nang mga nangyari sa ‘min, but, for her, I’m just her most trusted friend, nothing more, nothing less. Kaya ano pa ba’ng magagawa ko, Sigmund? Wala na. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa ‘kin. Ang gagong doktor na ‘yon ang mahal niya at gusto niyang makasama habang buhay.”

Muli siyang mapait na tumawa. “I remember, parati niyang ikinukuwento sa ‘kin before, ang mga plano niya kasama si Zyjill. Eversince na naging sila, nakatatak at nakaplano na sa utak niya ang magiging buhay niya kasama si Zyjill; she already seeing him as her husband, and the father of her children.” Mabagal siyang umiling. “Kaya umpisa pa lang talaga talo na ‘ko. Whatever I’ll do, I will never beat that asshole on Hensin’s heart. I’m a fucking loser in this game of so called love!”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon