CHAPTER 11: Her Suitor
KAGABI, habang nasa hapag sila’t naghahapunan, napag-usapan na maligo raw sila sa ilog ngayong umaga. Kaya naman maaga siyang gumising, dahil nakahihiya naman sa mga ito kung magpapahuli siya’t magpapahintay pa; at isa pa’y gusto niya ring tulungan ang nana ni Kristof na si Esmeralda sa paghanda ng umagahan.
Pinagamit sa kaniya ang dating kuwarto ng mga ate ni Kristof; habang si Sigmund naman ay ginamit ang kuwarto mismo ni Kristof. Hindi niya alam kung sa’n natulog ang kaibigan niya. Siguro, sa sala? Pft. O, baka nakitabi sa nana at tata nito. Matagal din itong nalayo sa mga magulang nito, kaya paniguradong miss na miss na nito ang mga ito.
May parte sa kaniya ang nakararamdam ng inggit para sa kaibigan. Bata pa lang kasi siya nang mawala ang mga magulang niya. Sa sobrang tagal na, hindi niya na nga maalala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng magulang.
Napabuntonghininga na lamang siya. Bakit ba ang dami niyang drama sa buhay? Dinala siya ni Kristof dito para mag-enjoy; hindi para magdrama.
Kaya naman, dali-dali na siyang tumayo at nag-ayos ng sarili, bago siya lumabas ng kuwartong tinulugan niya. Siniguro niyang wala siyang muta at bakas ng tulo laway habang papalabas. Oo na, inaamin niyang tulo laway siya kapag natutulog. Kaya nga, simula pa noong nag-aaral siya ay hindi niya na trip ang mga sleep over. Ayaw niyang may kasama sa pagtulog, dahil bukod sa tulo laway na siya, malakas pa siyang humilik.
Walang nakakaalam ng ‘tungkol do’n, maliban lang sa kuya niya, kay Kristof, at kay Zyjill. Mabilis niyang ipinilig ang ulo nang maalala nanaman ang dating kasintahan. Hindi niya na dapat ito inaalala pa. Magandang pagkakataon niya na ang bakasyon na ‘to para mag-move on. Kaya dapat, after this one week vacation, ayos na siya kahit papa’no. Alam niyang hindi niya magagawang mag-move on sa loob lamang ng isang linggo. Pero sana, kahit papaano ay mabawasan na ang sakit na nararamdaman niya kapag nakikita o naaalala niya si Zyjill.
Nang tuluyang makalabas ng kuwartong tinulugan niya, agad siyang dumeretso sa kusina, dahil may naririnig na siyang ingay mula roon. Malamang ay naroon na si Esmeralda at nagluluto na ng umagahan.
At hindi nga siya nagkamali, dahil pagpasok niya sa kusina ay nabungaran niya ang ginang na nakaharap sa kalan habang nagsasangag ng kanin. Kaya agad niya na itong nilapitan.
“Good morning po. Tulungan ko na po kayo,” nakangiting bati niya rito.
“Gising ka na pala, hija. Magandang umaga rin. Ang aga mo namang gumising. Maupo ka na ro’n sa mesa at patapos na ito.”
Napakamot siya sa sentido niya. “Gusto ko po sana’ng tumulong mag-prepare ng breakfast. Kaso mukhang late pa rin ako hehe,” kapagkuwa’y sagot niya.
“Nako, patapos na rin naman ito. Kaya ko na ‘to. Tulungan mo na lang akong maghain sa mesa.”
“Okay po. Maglalagay na ‘ko ng mga plato sa table.” Pagkatapos n’on ay mabilis na siyang kumilos at ginawa ang sinabi.
Maya-maya lang ay habang inaayos niya ang mesa, pupungas-pungas na lumabas si Kristof sa isang silid; na malamang ay silid ng mga magulang nito. Mukhang kagigising lang nito, dahil mukhang bangag pa itong naglalakad palapit sa kaniya.
“Good morning,” kapagkuwa’y nakangiting bati nito sa kaniya.
“Morning. Maupo ka na,” sagot niya rito, at saka siya naglakad pabalik sa kusina, para naman tulungan si Esmeralda na dalhin ang mga pagkain sa mesa.
“Sipag, ah. Ba’t ang aga mo yatang nagising?” maya-maya’y nakangising tanong sa kaniya ni Kristof, habang nagsasandok ito ng sinangag sa plato. Kasabay naman n’on ay ang paglabas din ni Sigmund sa silid na tinulugan nito.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...