49. They Are Wrong

112 4 0
                                    

CHAPTER 49: They Are Wrong

HANGGANG sa dumating na ang kapatid niya sa bahay ay hindi pa rin sinasagot ni Kristof ang mga tawag niya. Kanina niya pa nga gustong umalis at puntahan ang kaibigan. Sobrang natatakot at nag-aalala na siya para dito.

“Kuya, please, puntahan na natin si Kristof!” umiiyak na pagmamakaawa niya sa kapatid. Habang si Zyjill ay tahimik lang sa tabi niya. Naipaliwanag na rito ng kapatid niya ang katotohanan patungkol sa taong gumugulo ngayon sa buhay nila. Kaya naman aware na ito ngayon sa nangyayari.

“May pinapunta na ‘ko ro’n para i-check siya. Hintayin na lang natin ang update nila, okay?” mahinahong sagot ni Hanson. Alam niyang nag-aalala rin ito para kay Kristof, pero pinipilit nitong maging mahinahon, para makapag-isip ito ng maayos. Ganyan ang kapatid niya kapag nasa ganitong sitwasyon.

Pero hindi pa rin siya mapapalagay, hanggat hindi niya nakikitang ligtas ang binata. Kaya gusto niyang siya ang pumunta rito. Pero ano ba ang magagawa niya? Mas alam ng kapatid niya ang ginagawa nito, kaya naman kailangan niyang sumunod dito, dahil kapag nagpasaway at ginawa niya nanaman ang gusto niya, baka mas may mapahamak pa.

Hinawakan ni Zyjill ang isang kamay niya, kaya napalingon siya rito. “Everything’s will be alright. Magiging ligtas si Kristof,” kapagkuwa’y anito, at saka siya nito hinapit palapit dito, kaya agad siyang yumakap dito’t umiyak nanaman.

Sobrang natatakot siya sa kung ano’ng maaaring mangyari. Ayaw niya na’ng may mapahamak pa nang dahil sa kanila. Bakit ba naman kasi kailangang mandamay pa ng iba ng taong ‘yon? Bakit hindi na lang silang dalawa ng kapatid niya? O kaya, bakit hindi na lang siya? Siya na lang ang saktan nito, huwag lang ang mga taong malalapit at mahahalaga sa kaniya.

Mas gugustuhin kong ako na lang, ke’sa ang mga taong mahal ko ang mapahamak.

“What?!”

Pareho silang napatingin ni Zyjill sa kapatid niya nang marinig ang pagsigaw nito. Napaayos siya ng upo at mabilis na kumabog ang dibdib niya. Please, please, please, Kristof. Please, be safe, piping hiling niya.

“Kuya…” nag-aalalang tawag niya sa kapatid, naghihintay na matapos ito sa kausap nito. Ano’ng nangyari? Bakit parang natataranta ito? May nangyari ba’ng hindi maganda?

“Okay, okay. I’ll be there,” nagmamadaling sambit ng kapatid, at saka na ibinaba ang phone nito, bago dali-daling tumayo na parang aalis. Kaya naman napatayo rin silang dalawa ni Zyjill.

“Kuya, what happened? May nangyari bang hindi maganda kay Kristof?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Pinagbabaril ang sasakyan ng mga taong pinadala ko para i-check si Kristof. I need to go there---”

“Sasama ako,” mabilis na putol niya rito. Gusto niyang sumama and check Kristof herself.

“No,” mabilis na pagtutol nito. “You’re going to stay here with Zyjill. Delikado.”

“Delikado, ‘tapos pupunta kang mag-isa ro’n? Hindi ako papayag!” pagtutol niya rin. Alalang-alala na siya kay Kristof, ‘tapos ngayon susunod pa ang kapatid niya. Baka mabaliw na talaga siya sa sobrang pag-aalala sa mga ito.

“Sumunod ka na lang sa ‘kin. I need to go.”

“Pero, Kuya---”

“No buts, Hensin. Don’t be stubborn,” mabilis na putol nito sa kaniya, at saka bumaling kay Zyjill. “Ikaw na’ng bahala sa kaniya. May iiwanan akong mga magbabantay sa inyo mula sa labas. Lock the doors and windows. Stay here, and be cautious,” kapagkuwa’y habilin nito kay Zyjill, na tinanguan lamang ng binata.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon