CHAPTER 55: Mutual Feelings
“WHAT are you doing here again, Hensin? Marami pa ‘kong gagawin. Huwag mo muna akong istorbohin,” sambit ni Kristof nang makita nanaman si Hensin na basta na lang pumasok sa loob ng opisina niya. Sanay na siya riyan, dahil hindi talaga marunong kumatok ang babae. Kahit nga ang secretary niya ay hinahayaan na lamang ito.
Pabagsak itong naupo sa single sofa na naroon. “Nalipat ako sa night shift at na-reassigned ako sa ER. Kaya bad mood ako. Dito muna ako,” kapagkuwa’y nakasimangot na sagot nito. “Padalhan mo ‘ko ng kape sa bagong secretary mo na halata namang isa ring plastic,” at utos pa talaga nito.
Napabuntonghininga na lamang siya’t naiiling na sinunod ang sinabi nito; inutusan niya ang secretary niya mula sa intercom na magdala ng kape para sa kanilang dalawa, na pinasamahan niya na rin ng bread, kung sakaling gutom din si Hensin.
“Ano pa, kamahalan?” kapagkuwa’y tanong niya rito nang matapos.
Kinumpas lamang nito ang isang kamay nito habang abala na sa phone nito’t naglalaro ng call of duty. “Wala na. Sige na, work ka na lang diyan. Don’t mind me,” kapagkuwan ay sambit nito.
Muli na lamang siyang napailing at bumalik na sa ginagawa niya. Mabuti na lamang at wala siyang pasyente ngayon, kaya naman makatatambay ito rito. Pero mamaya ay kailangan niya na’ng mag-rounds sa wards para i-check ang mga pasyente niyang naka-admit dito.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang tuluyan nang maging maayos si Hensin, at last week lang nang magsimula na uli itong pumasok sa trabaho. Pero magmula rin nang makabalik siya sa kaniyang trabaho, madalas na ring magpunta rito si Hensin sa kaniyang opisina; mas madalas pa ke’sa noon ang pang-iistorbo nito sa kaniya.
Though, hindi naman ‘yon problema sa kaniya. Sa katunayan nga niyan ay ikinatutuwa niya pa ‘yon, dahil pakiramdam niya ay mas tumindi ang closeness nila ngayon.
Wala sa sarili siyang napangiti habang nakatitig sa babae na abalang-abala pa rin sa paglalaro sa phone nito. Kapagkuwa’y mahina siyang napabuga ng hangin. Kailangan niya na nga siguro talaga ang makuntento sa kung ano’ng me’ron sila ngayon.
Mula nang maging maayos ang lahat, pakiramdam niya’y mas naging maganda ang relasyon nilang dalawa bilang isang magkaibigan. Ayaw niya na’ng masira pa ‘yon nang dahil lang sa damdamin niyang muntik nang sumira sa maganda nilang samahan.
Napatid ang pagtitig niya kay Hensin kasabay ng pag-ayos niya ng upo nang bigla na lamang may kumatok sa pinto, at kasunod n’on ay ang pagpasok ng kaniyang sekretarya, dala na ang mga pinadadala niya.
“Here’s your coffee and bread, Doc,” kapagkuwa’y mahinhing sambit ng babae.
“Thanks, Joana. Pakilagay na lang diyan sa center table,” aniya rito, na agad naman nitong sinunod.
“Yes, Doc.” Nginitian nito si Hensin. Pero dahil dakilang maldita ang kaniyang kaibigan, hindi manlang nito ginantihan ng ngiti si Joana, at sa halip ay ibinalik lamang nito ang pansin sa cellphone nito. Muli na lamang siyang napailing sa babae. Wala na talaga itong pag-asa.
“Sige na, Joana, bumalik ka na sa puwesto mo. Thank you,” kaya naman sambit niya na sa sekretarya.
“Yes, Doc.” At saka na ito lumabas ng kaniyang opisina, dahilan para maiwan nanaman silang dalawa ni Hensin sa loob ng opisina.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...