EPILOGUE

349 6 0
                                    

EPILOGUE

“SERYOSO? May pumatol sa bitch na ‘yon?!”

Hindi napigilan ni Kristof ang pagtawa dahil sa naging reaksiyon ng asawa niyang si Hensin, matapos niyang ibalita rito ang pang-iibita sa kanila ni Kiray na dumalo sa kasal nito sa susunod na linggo.

“Oo nga. Ang sabi nila Ate, may nasungkit daw na americano. Kaya ayon ikakasal na, at gusto niya na pumunta tayo,” paliwanag niya rito. Kahit siya naman ay nagulat. Ang dating kababata na patay na patay sa kaniya, ngayon ay nahanap na rin ang pinapangarap nitong love life.

Tumawa sa pagkamangha si Hensin. “Wow naman. Nakasungkit pala ng afam ang loka,” anito, kapagkuwa’y nakalolokong ngumisi sa kaniya. “Means, tuluyan na talagang naka-move on sa ‘yo ang higad na ‘yon. Nanghinayang ka ba? Hahaha!”

Agad siyang napangiwi dahil sa narinig na sinambit nito. “Sira. ‘Buti nga ‘yon at mapapalagay na ‘ko kapag umuuwi sa Milyamen,” aniya, kapagkuwan ay siya naman ang ngumisi rito. “At saka, wala ka nang pagseselosan na linta. Happy ka, ‘no?” panunudyo niya rito, at sinubukan pa’ng sundutin ang tagiliran nito. Pero mabilis itong umiwas habang masama ang tingin sa kaniya, dahilan para muli siyang matawa.

Inirapan siya nito. “Ano nama’ng kaselos-selos sa higad half linta na ‘yon? Walang-wala naman ‘yon kumpara sa kagandahan ko. Magagawa mo ba’ng ipagpalit ako sa itsurang ‘yon? Hah! Ewan ko na lang, Kristof.”

Hindi niya na talaga napigilan ang paghalakhak niya. Napakalaitera talaga ng asawa niya. Pero tama naman ito, never naman talaga niya itong ipagpapalit para kay Kiray, dahil bukod sa mahal niya ito, walang-wala naman talaga si Kiray sa kagandahan at katalinuhan ng asawa niya.

Kaya nagkakasundo silang dalawa ni Hensin eh, halos magkaugali kasi silang dalawa. Pft. Nagkakasundo talaga sila sa lahat ng bagay. Maliban na lang kapag sinusumpong ng pagiging selosa ang babae, dahil lahat na lang ng babaeng lalapit sa kaniya ay pinagseselosan nito. Kaya nga nagpalit siya noon ng sekretarya, at ngayon ay lalake na ang secretary niya, para wala na siyang maging problema sa asawa niya. ‘Lagi na lang kasi silang nag-aaway.

Sa sobrang dalas nilang mag-away, parang naging normal na lang ‘yon sa kanila. Para’ ngang ‘yon na ang pinakalambingan namin eh, pft. Pero kahit na gano’n, hindi naman nila hinahayaan na matulog sila nang hindi nagkakaayos. Kahit na parati silang nag-aaway nang dahil sa pagiging selosa nito, hindi naman nila hinahayaan na masira n’on ang magandang relasyon nila bilang mag-asawa.

Hindi ko naman kasi kasalanan na ang sobrang guwapo ko kaya napakalapitin ko ng mga babae. Lihim siyang napangisi. Nagsasabi lang naman kasi siya ng katotohanan. Pft.

“Oo na lang, Hensin. Sige, naniniwala akong hindi ka nagseselos kay Kiray kapag kinakausap niya ‘ko,” nakangising sagot niya rito. Please, note the sarcasm, pft.

“Talaga! Never akong magseselos sa babaeng ‘yon,” malditang sagot nito. “Pero sana lahat may afam. Mayaman ba?” kapagkuwa’y dugtong na tanong nito.

Dahilan para muli nanaman siyang matawa, bago nagkibit balikat. “I dunno. Maybe? Pft.” Malalaman nila ‘yan sa araw ng kasal.

***

“LET’S GO, Kristof. Where’s Heja?” tawag na ni Hensin sa asawa, kapagkuwa’y kunot noong tanong nang makitang hindi nito kasamang bumaba ng hagdan ang three-year-old nilang anak na babae. Habang karga-karga niya naman ang one-year-old niyang bunso na si Hejo.

Kumunot ang noo ni Kristof. “I thought kasama mo na rito. Wala na siya sa taas eh,” kapagkuwa’y kunot noong sagot nito.

Sisimulan na sana siyang kabahan dahil nawawala ang panganay niya, pero naudlot ‘yon nang bigla na lamang niyang maramdaman ang pagyakap ng pares na maliit na braso sa kaliwang binti niya. At nang magbaba siya ng tingin, do’n niya nakita ang babaeng anak.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon