48. Threat

112 5 0
                                    

CHAPTER 48: Threat

DAHIL sa nangyari ay hindi muna hinayaan si Hensin ng kaniyang kapatid na pumasok sa trabaho. Ito na mismo ang nagpaalam para sa kaniya sa ospital na muli siyang mag-te-take ng leave hanggat hindi nahuhuli ang taong nanggugulo nanaman ngayon sa buhay nila. Ipinaliwanag ng kapatid niya sa ospital ang dahilan, kaya naman mabilis na na-approved ang leave niya.

Kaya naman ngayon ay bored na bored na siya rito sa bahay. Pero wala naman siyang magagawa kun’di ang sumunod sa kuya niya’t mag-stay lang dito. Ayaw niya na’ng maging pasaway, dahil baka may mapahamak nanaman nang dahil sa kaniya kapag pinilit niya pa ang nga gusto niyang gawin.

Napahaplos siya sa tiyan niya. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang nang ibalita sa kaniya na buntis siya. ‘Tapos ngayon ay parang bulang nawala sa kaniya ang pinagbubuntis niya.

Hindi manlang niya naranasang makita ang mundo.

Biglaan ang pagdating nito sa buhay niya, ‘tapos biglaan din itong binawi sa kaniya. Napakagaling. Pinaasa lamang siyang mararanasan niya na ang maging isang ina. Mas masakit pa ‘to ke’sa sa pinaasa ka ng taong akala mo ay para sa ‘yo na.

Napabuntonghininga na lamang siya. Ubos na yata ang mga luha niya, dahil kahit na nasasaktan pa rin siya ngayon, wala nang tumutulong tubig mula sa mga mata niya.

Pati mga luha ko napagod na dahil sa nangyayaring ka-shit-an sa buhay ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa ng sala, at saka siya nagtungo sa kitchen at binuksan ang fridge. Muli na lamang siyang napabuntonghininga nang makita ang isang box ng cake mula sa loob. Malamang ay galing nanaman ito kay Kristof.

Kinuha niya ito’t ipinatong sa dining. Mula kasi nang makauwi siya galing ospital, walang patid pa rin ito sa pagbisita sa kaniya, pero parati niya lamang itong pinalalayas at galit na sinisigawan. Alam niyang nasasaktan ito sa ginagawa niya, dahil naramdaman niya ‘yon noong ito ang nagtutulak sa kaniya palayo sa hindi niya malaman na kadahilanan. Pero mas gusto niya na lamang ang saktan ito, ke’sa ang mapahamak ito nang dahil sa paglalapit sa kaniya.

Naranasan niya na ang mawalan ng mga magulang nang dahil sa taong ‘yon; ngayon anak niya naman ang kinuha sa kaniya nang dahil din sa taong ‘yon. Hindi niya na hahayaang pati ang isang napaka-espesyal na tao sa buhay niya ang mawala rin sa kaniya nang dahil nanaman sa demonyong ‘yon.

Binuksan niya ang box, at saka kinuha mula sa loob ang isang mocha flavor round cake. Mapait na lamang siyang napangisi nang makita ang nakasulat dito.

‘I’m sorry.’

Nitong mga nakaraang araw lang nang huminto na sa pagpunta si Kristof dito sa bahay. Ang dahilan nito? Baka raw kasi na-i-stress na siya nang dahil dito, kaya raw hindi na muna ito pupunta araw-araw, sa halip ay once a week na lamang.

Kaya naman nitong mga nakaraang araw, bilang kapalit ng hindi na nito pagbisita, araw-araw itong nagpapadala ng kung ano-ano: cake, cupcakes, chocolates, flowers, at iba pa. At ang lahat ng ‘yon ay hindi nawawalan ng kasamang message na ang tanging nakasaad lamang ay ang salitang I’m sorry.

Sinabihan na siya nito na hindi ito hihinto hanggat hindi niya ito pinatatawad. I doubt it. Kilala niya si Kristof. Alam niyang magsasawa rin ito kapag na-realize na nito na walang pinatutunguhan ang mga ginagawa nito. Kaya itutuloy niya lang ang ginagawa niya, hanggang sa tuluyan na itong sumuko at lumayo sa kaniya.

Bumalik siya sa sala dala ang buong round cake. Por que itinutulak niya na paalis sa buhay niya si Kristof, hindi ibig sabihin n’on ay hindi niya na kakainin ang mga ibinibigay nito. Hindi naman nito alam eh, kaya okay lang. Parati kasing favorite niya ang mga ipinadadala nito. Kaya paano niya naman hindi papansinin ‘yon at hayaan ang kapatid niya lang ang kumain?

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon