CHAPTER 52: Her Downfall…
HINDI mapakali si Kristof dito sa loob ng kotse ni Detective Hanson. Hindi kasi siya pinayagan ng detective na sumama sa loob ng bahay at binilinan na manatili lamang dito sa loob ng kotse, dahil delikado. Hindi sana siya papayag, pero wala siyang magawa, lalo pa’t ibinilin siya sa mga pulis na nakaantabay rito sa labas na bantayan siya’t huwag hahayaang lumabas dito sa kotse.
Ang bilis ng kabog sa dibdib niya dahil sa kaba. Mahina siyang umuusal ng dasal na sana’y walang mapahamak sa mga ito, lalo na si Hensin. Sana’y ligtas ang babaeng mahal niya. Ayos lang sa kaniya kahit na wala na siyang maging pag-asa para mapunta ito sa kaniya, basta maging listas lamang ito, handang-handa na siyang sumuko rito’t tanggapin na na hindi talaga siya nito magagawang mahalin.
Habang patungo sila rito, ibinahagi na sa kaniya ni Detective Hanson ang ‘tungkol sa lahat ng nangyayari. Itong bahay na ito ay ang dating bahay na tinitirahan ng magkapatid na Costodio, kasama ang mga magulang ng mga ito. Pero nang patayin ni Almario ang nanay at tatay ng dalawa, do’n napadpad sila Hensin sa Crimson Wood.
Ang sabi ni Detective Hanson, according to his investigation, Almario was suffering ASPD, or antisocial personality disorder. But, Almario was more violent and have sever behavioral traits than people with ASPD. So, he can say that he has psychopathy, just like Ivy.
Kapareho ito ng mental illness ng asawa ni Sigmund na si Ivy, na siyang dating notorious serial killer dito sa Crimson Wood. And, just like Ivy, isang takas lang din daw sa mental si Almario, na hanggang ngayo’y hindi mahuli-huli.
Ano ba’ng me’ron dito sa Crimson Wood at parang suki na ng mga serial killer na may ASPD? Nawala na si Ivy, ‘tapos ngayon pumalit naman itong si Almario. Sana lang talaga’t maging maayos na ang lahat ngayong gabi.
Nagpatuloy siya sa paghihintay at pagdadasal sa kaligtasan nila Hensin, nang mapaigtad siya nang umalingawngaw ang dalawang malakas na pagputok ng baril mula sa loob ng bahay. Ang kabog sa dibdib niya ay mas lumakas pa.
“Hensin…”
Nakita niyang kumilos na ang mga nakaantabay na pulis sa labas, kumikilos ayon sa iniutos sa mga ito kung sakaling may aberyang mangyari. Dahilan para lalo siyang kabahan.
Akmang lalabas siya ng kotse para magtungo sa loob ng bahay, pero mabilis siyang pinigilan ng isang pulis. “Diyan lang ho kayo. Delikado.”
“I want to help!” pagpupumilit niya. Mas lalo siyang hindi mapapakali sa pag-aalala kung mananatili lamang siya rito’t maghihintay. Gusto niyang tumulong sa pagliligtas kay Hensin, kaya nga siya sumama rito eh.
“Mahigpit na ibinilin ka sa ‘kin ni Detective Hanson. Sumunod na lang tayo sa utos niya, para sa kaligtasan mo,” sambit nito. Kaya wala na siyang nagawa nang muli nitong isara ang pinto ng kotse’t nanatili sa labas para bantayan siya.
Napahilamos na lamang siya sa mukha niya gamit ang dalawang palad niya, at saka punong-puno ng pag-aalalang naghintay at muling tahimik na nanalangin.
Nagdatingan ang mga medic na nakaantabay lamang din mula sa malayo. Nagsilapit na ang mga ito dahil nakakuha na ang mga ito ng signal. That means, nasugatan o nagkaro’n ng may pinsala sa loob. Lalo lamang siyang kinabahan nang dahil do’n.
Maya-maya lang, matapos pumasok ng mga medic sa loob ng bahay, lumabas naman si Detective Hanson, habang akay-akay nito ang tulalang si Hensin na parang wala sa sarili.
At sa pagkakataong ‘yon, hindi na siya pinigilan pa ng pulis na nakabantay sa kaniya nang muli niyang tangkaing lumabas, na ipinagpapasalamat niya, dahil ngayo’y mabilis siyang nakalapit sa kinaroroonan nina Detective Hanson at Hensin.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...