31. It's all because of you

149 3 0
                                    

CHAPTER 31: It’s all because of you

“BRUHA ka talaga! Napakadaya mo!” Pasimple na lamang napairap si Hensin nang ‘yan ang isalubong sa kaniya ni Angelina (isa sa mga plastic niyang kaibigan, slash katrabaho) pagdating niya sa nurse station.

Tapos na ang bakasyon niya, kaya balik na siya ngayon sa trabaho; tapos na ang maliligayang araw niya.

“Ang sabi mo tatawagan mo ‘ko, ‘tapos hindi naman pala. Tinatawagan kita, hindi mo naman sinasagot. Sa’n ka ba nagbakasyon?” pagpapatuloy pa nito.

“Somewhere you don’t know,” simpleng sagot niya, at saka niya tinignan ang chart niya. “Hindi ako nag-accept ng calls, dahil ayo’ko ng istorbo sa vacation ko,” kapagkuwa’y pagtutuloy niya, at saka ito nginitian; siyempre plastic ‘yon.

“Tch. Sana all na lang, ‘no?” At saka siya nito pabirong inirapan. “But, anyway, ‘yong ex mo nga pala, araw-araw pabalik-balik dito n’ong wala ka. Yiehh, mukhang gustong makipagbalikan talaga sa ‘yo. Ang haba ng hair mo girl! Ikaw na talaga!”

Natigilan siya dahil sa sinabing ‘yon ni Angelina. Si Zyjill? Napabuntonghininga na lamang siya. Bakit ba nagulat pa siya? Wala siyang pinagsabihan kung sa’n siya nagpunta, at bukod sa kuya niya, wala siyang ibang sinasagot na tawag no’ng naroon siya sa Malikdem.

“Hayaan mo siya,” tanging sagot niya na lamang. Apektado pa rin siya at naguguluhan sa kung ano’ng gagawin niya, dahil kahit ano nama’ng gawin niya ay si Zyjill pa rin ang laman ng puso niya, kahit pa gumawa siya ng kalokohan kasama ang kaibigan niyang si Kristof, habang naroon sila sa probinsiya.

Muli na lamang siyang napabuntonghininga.

“Hayaan mo siya ka riyan, pero ang lalim niyang buntonghininga mo, ‘no? Kahit ano pa’ng gawin mong pambabalewala sa kaniya, alam naman nating pareho na mahal mo pa rin siya, kaya huwag mo nang lokohin ‘yang sarili mo, lalo pa’t siguradong araw-araw mo na siyang makikita ngayon.”

Mabilis niyang nilingon ang babae. “What do you mean?” kapagkuwan ay naguguluhang tanong niya. Ano’ng ibig sabihin nito na araw-araw niya nang makikita ang ex niya?

Ngumisi ito sa kaniya. “Wala pang nagsasabi sa ‘yo? Dito na ngayon nagtatrabaho si Dr. Bustamante; actually, ngayon ang start niya.”

Napaawang ang labi niya dahil sa narinig na sagot. Hindi siya makapaniwala. Paano ito napadpad dito? Eh, may sarili namang ospital ang pamilya nito?

And in that moment, habang naguguluhan siya’t iniisip ang posibleng dahilan ni Zyjill, kung bakit ito lumipat dito, ay namataan niya ito habang kausap si Gilbert, na isa ring doktor dito sa pinagtatrabahuhan niyang ospital.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. Tinignan niya ito ng nagtatanong, pero nginitian lamang siya nito, bago muling bumaling kay Gilbert.

Gusto niya itong makausap; kailangan niya itong makausap.

Pero mukhang masyado itong busy ngayong araw, dahil hindi niya ito matiyempuhan na walang ginagawa, lalo pa’t naging busy rin sa ER, kaya pati siya ay masyado ring naging abala sa trabaho.

Hanggang sa sumapit na ang end ng shift niya. Inaabangan niya si Zyjill, pero hindi niya na ito mamataan. Ang sabi sa kaniya ng head nurse nila ay nasa operating room si Zyjill para mag-observe sa ginagawang operation.

Kaya naman napagdesisyonan niya na lamang ang umuwi. Bukas niya na lamang ito kauusapin.

Pero pagkalabas niya ng ospital ay isang bad luck na nilalang ang humarang sa kaniya. Napairap na lamang siya. Mukhang kailangan niya nanamang paganahin ang kamalditahan niya ngayon.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon