38. The Regressions of Her Nightmare

128 3 0
                                    

CHAPTER 38: The Regressions of Her Nightmare

NAGMAMADALI at puno ng pag-aalala ang ginawang pagtakbo ni Hanson papasok sa loob ng ospital, dahil sa natanggap na tawag na sinugod daw rito ang kapatid niya.

Mabilis siyang nagtungo sa emergency room nang sabihin sa kaniya na naroon ang kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay wala pa ring malay na nakahiga sa hospital bed.

“What happened to my sister?” agad na tanong niya sa doktor nang lumapit ito sa kaniya. This is Gilbert, kaibigan itong doktor ng kapatid niya, kaya naman kilala niya na rin ito.

“You don’t have to worry, Mr. Costodio, your sister is fully alright. She’s just stressed and need a lot of rest. Hintayin na lang natin na magising siya,” mahinahong sagot nito, dahilan para medyo makahinga na siya ng maluwag.

“Thank God,” usal niya, pero may pag-aalala pa ring tinapunan ng tingin ang kapatid, bago muling bumaling sa doktor. “Ano ba’ng nangyari? Bakit nawalan ng malay ang kapatid ko?”

“Ang sabi n’ong nagdala sa kaniya rito, bigla na lang daw siyang nawalan nang malay sa mall. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala kang dapat na ipag-alala, dahil ayos lang siya, wala naman kaming nakitang problema sa mga isinagawang test sa kaniya. Pero iwasan sana natin na ma-stress siya, dahil makakasama ‘yon sa kaniya, lalo na sa baby na nasa sinapupunan niya.”

Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan ang doktor. “Baby?” gulat na sambit niya. Buntis si Hensin?

“Yes. Hindi mo alam? She’s five weeks pregnant.”

Napaawang ang labi niya. Bakit walang sinasabi sa ‘kin si Hensin ‘tungkol dito? Ibinalik niya ang tingin sa kapatid na wala pa ring malay sa hospital bed.

Pero mabilis din niyang naialis ang tingin sa kapatid nang marinig ang isang pamilyar na boses…

“Hensin’s pregnant?” At do’n niya nakita ang gulat na mukha ni Zyjill; ang boyfriend ng kaniyang kapatid, at ang paniguradong ama ng dinadala nito ngayon. Hindi na dapat siya magulat, dahil alam naman niya kung gaano kapilya at kaloko ang kapatid niya, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting galit sa lalaking ito, dahil binuntis agad nito ang nag-iisang kapatid niya, samantalang hindi pa naman kasal ang mga ito.

“Congrats, Dr. Bustamante, magiging daddy ka na. Hensin is five weeks pregnant,” nakangising sagot naman ng doktor na si Gilbert dito.

Masama niya itong tinignan. “Mag-usap tayo,” seryosong saad niya sa nobyo ng kapatid, at saka ito nilampasan. Pero naguguluhan siya sa reaksiyon nitong gulat at parang hindi makapaniwala. Napabuntonghininga na lamang siya’t ipinagkibit balikat iyon, gano’n lang siguro talaga ang reaksiyon ng mga lalakeng magiging ama na. Ano ba’ng malay niya? Wala naman siyang anak o asawa, no girlfriend since birth nga siya eh.

***

“NANAY!” humahagulgol sa iyak na sigaw ng anim na taong gulang na si Hensin, habang pinanonood ang kaniyang ina na walang awang hinahampas ng makapal na kahoy sa tuhod ng malaking lalake na basta na lamang pumasok sa kanilang bahay habang masaya silang naghahapunan.

Ang kaniyang ama ay halos mawalan na ng malay at puro dugo na ang ulo at mukha, dahil sa ginawang malakas na paghampas ng malaking lalake sa ulo nito kanina.

Wala silang magawa ng kaniyang nakatatandang kapatid kun’di ang umiyak at isigaw ang pangalan ng kanilang mga magulang na pinahihirapan ng walang awang lalakeng ito.

Iginapos sila nito rito sa upuan sa harap ng hapag, at wala silang ideya sa dahilan nito kung bakit nito ito ginagawa sa kanila, ni hindi nga nila ito kilala, basta na lamang itong pumasok dito sa tahanan nila at ginawa ang karahasan na ito sa kanila.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon