3. I'm done

282 11 0
                                    

CHAPTER 3: I’m done

“ARE you really sure about this, Bro? Puwede naman na mag-stay ka muna sa apartment ko for a meanwhile,” may pag-aalala sa boses na tanong niya kay Sigmund nang makalabas sila sa tinitirahan niya.

Tipid na ngumiti sa kaniya ang kaibigan, kasabay ng pagbukas nito sa pinto ng front passenger seat. “I’m okay, Kristof. I have to live my life, even if it hurts. At alam kong ‘yon ang gustong mangyari ni Ivy. Kaya gusto ko nang bumalik sa Harmony para ipagpatuloy ang buhay ko,” anito, kapagkuwan ay pumasok na sa loob ng kotse, kaya naman pumasok na rin siya sa driver seat.

Hindi niya ito inaasahan. Habang nag-aalmusal sila kanina ay bigla na lamang nitong sinabi na uuwi na ito sa bahay nito sa Harmony Bridge. Of course, hindi siya sang-ayon sa gusto nito, dahil hindi niya gustong maiwan itong mag-isa sa ganitong sitwasyon. Nag-aalala siya para sa kaibigan niya. Pero ano ba ang magagawa niya kung ‘yon ang gusto nito?

Kaya naman ngayon ay ihahatid niya ito sa lungsod na tinitirahan nito. Gustong-gusto niya itong pigilan, pero mukhang desidido na talaga itong umuwi, kaya naman hahayaan niya na lamang ito. Matalino ang kaibigan niya, kaya tiwala naman siyang hindi ito gagawa ng katangahan para masaktan ang sarili nito. Though, I can’t help but to get worried. Normal lang naman na maramdaman niya ito para sa kaibigan na may mabigat na pinagdaraanan. Especially that it’s Sigmund; his best friend.

“Basta, tawagan mo lang ako kapag kailangan mo na ng kausap o ano. Always take care of yourself,” saad niya rito matapos makaupo sa driver seat, at saka niya na sinimulang buhayin ang makina para makaalis na sila.

“Stop worrying about me, I’m not suicidal, Kristof,” anito, at saka muling tipid na ngumiti sa kaniya. Kaya napabuntonghininga na lamang siya. Hindi niya alam kung ilang beses na ba siyang bumuntonghininga sa araw na ‘to. Hindi naman kasi niya mapipigilan ang sarili na mag-alala.

“Tch, don’t stop me on worrying. I care for you, kaya mag-aalala talaga ako. Baka mamaya, bigla ko na lang mabalitaan na tumalon ka na pala sa tulay.”

Tipid itong tumawa. “I would never do that. It will make my baby upset.”

“Malay ko ba kung gusto mong sundan ang wife mo?”

“Yes, I do. But, she don’t want me too. Gusto niya na ituloy ko ang buhay ko sa Harmony at muling buksan ang clinic ko para magtrabaho. Gusto niyang bumalik uli sa normal ang buhay ko. Kaya ‘yon ang gagawin ko.”

Nangunot ang noo niya. Bakit pakiramdam ko sinabi talaga ‘yon ni Ivy sa kaniya? Pero paano naman ‘yon magagawa ng patay? ‘Di kaya nagpakita sa kaniya ang multo ni Ivy? Napangiwi na lamang siya sa sinaad ng isip. Kung ano-ano na talaga ang mga tumatakbo sa isipan niya.

“Eh ‘di, mabuti. Sundin mo ang gusto ng asawa mo. Live a happy and normal life. Nawala man siya physically, hindi naman siya nawala riyan sa puso mo.” That’s sweet. Lihim na lamang siyang napangiwi. Minsan nagugulat din siya sa mga lumalabas sa bibig niya kapag ang usapan ay pag-ibig; lalo na kapag nagbibigay siya ng advises kay Hensin.

“You’re right, hinding-hindi siya mawawala sa puso ko. Maghihintay ako ng kahit gaano katagal, dahil alam kong dadating din ang araw na muli kaming magkakasama,” anito, dahilan para mapangiti na rin siya.

Mukhang wala naman na siyang dapat ipag-alala sa kaibigan niya. His best friend is a positive man. Kaya medyo nabawasan na ang pag-aalala niya.

Nang makarating sila sa Harmony at sa bahay na tinitirahan nito, napagdesisyonan niya na muna na samahan ito ngayong araw at tulungan ito sa paglilinis ng buong bahay nito na puro alikabok na, dahil medyo matagal nang hindi natirahan. Tutal ay pina-move naman niya na ang lahat ng appointments niya ngayong araw.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon