CHAPTER 53: Save Her
“WHAT happened to Hensin?!” Agad na sinalakay ng kaba si Kristof nang tumawag sa kaniya si Detective Hanson, at ibungad nito sa kaniya ang balitang isinugod nito sa ospital si Hensin. Kaya ngayon heto siya’t mabilis na nagtungo rito sa ospital, kung sa’n dinala ni Detective Hanson si Hensin.
Pulang-pula ang mga mata ni Hanson nang lumingon sa kaniya. Halatang galing lang ito sa pag-iyak. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba. At saka siya napatingin sa dalagang walang malay na nakahiga sa hospital bed. Ano nanaman ba ang nangyari kay Hensin? Bakit nanaman ito nandito sa ospital bilang pasyente?
“Detective, what happened to her?” muling tanong niya sa detective.
Mahinang umiling sa kaniya si Hanson. “I almost lost her…” kapagkuwa’y mahinang sambit nito, at saka ito nanghihinang naupo sa upuang nasa gilid ng kama ni Hensin. “Mabuti na lamang at umuwi ako. If I didn’t…” Hinawakan nito ang kamay ng kapatid, kasabay ng pagpikit nito’t muling pagtulo ng luha mula sa mga mata nito. “If I didn’t came home, I will surely lose her for good.”
Umawang ang labi niya dahil sa pagkabigla, lalo na nang makita niya ang gasa na nasa kaliwang pulso ni Hensin. What the… Hindi siya makapaniwala sa na-realize. Tinangkang magpakamatay ng babae.
What the hell did you do, Hensin?
“How can you do this, Hens? Did you really think on leaving me alone? How dare you?” lumuluhang kausap ni Hanson sa kapatid. Napaiwas na lamang siya ng tingin. Habang tumatagal ay mas nagiging emosyonal siya nang dahil sa magkapatid na ‘to; lalong-lalo na kay Hensin.
Pero paano ito nagawa ng dalaga? Alam niyang depressed ito dahil sa pagkamatay ni Zyjill, ‘tapos galit pa rito ang pamilya ng fiance nito, kaya hindi manlang ito maka-attend sa burol. Pero kilala niyang strong na babae si Hensin, kayang-kaya nitong dalhin ang kahit na ano’ng problema. Iiyak lamang ito at magmumukmok, ‘tapos magiging okay na ito.
Kaya hindi talaga siya makapaniwala na magagawa nitong pagtangkaan ang sarili nitong buhay, dahil sa bigat na dinadala nito ngayon. Masyado silang napalagay, dahil kilala nilang malakas si Hensin. Hindi manlang nila naisip kung gaano na ito kapagod.
Kawawala lamang ng anak nilang dalawa, ‘tapos ngayon nakaburol na rin ang lalakeng mahal nito. Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri niya sa kaliwang kamay niya. Hensin is now emotionally tired, and because of that, she’s mentally unstable right now.
Mabagal siyang naglakad patungo sa kabilang gilid ni Hensin. Malamlam ang mga mata niya itong tinignan. Nasasaktan siyang nakikita itong ganito ngayon. Bakit kailangang maging ganito ang buhay nito ngayon? Bakit ba kailangan pa itong pagdaanan ng babae?
Marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay nito, kung sa’n naroon ang gasa, sanhi ng paglalaslas nito.
“Hensin, if you’re tired, you can come to me, and I will help you lift your problem. I will help you with the best I can. You don’t have to do this. Don’t try leaving us just because you’re already tired with your life. Nandito pa kami; kami na mga nagmamahal sa ‘yo. We will help you. Please, just don’t do this.”
Magaan niyang hinaplos ang maputlang mukha ni Hensin. He’s happy that she’s now physically saved; but, not emotionally. And that’s hurting him.
Magaan niya itong hinalikan sa noo. Ngayon siya nito pinakakailangan. Gagawin niya ang lahat para maging maayos na ito.
***
“THIS is really serious. Sa lalim ng hiwang ginawa niya sa pulso niya, halatang gusto niya na talaga’ng tapusin ang buhay niya.”
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romansa[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...