43. Another Mistake

159 3 0
                                    

CHAPTER 43: Another Mistake

“THAT’S enough, Kristof. Until when are you planning to be like that?”

Nginisian lang ni Kristof ang pag-awat sa kaniya ni Sigmund na kausap niya through video call. “Until I erased her in my stupid heart,” kapagkuwan ay sagot niya rito, at saka muling tumungga sa boteng hawak niya.

Kaya naman napabuntonghininga na lamang ang kaibigan na wala nang nagawa pa kun’di ang hayaan siyang magpakalasing.

“Okay, go. Intoxicate yourself ‘til your heart contents.” Napailing na lamang ito. “But please, Kristof, make this last, at least for this week. Wala nang ibang laman ‘yang tiyan mo kun’di alak. Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho mo,” kapagkuwan ay sermon nito.

Pero tinawanan niya lamang ito’t nagpatuloy lang sa pagpapakalunod niya sa alak. Well, ilang araw na nga ba siyang ganito? Apat? Tatlo? Hindi niya na alam, basta simula nang malaman niyang buntis si Hensin.

Matutuwa sana siyang kung siya ang ama, pero hindi, dahil imposible ‘yon. Ang tanga niya, sana pala hindi siya nag-ingat no’ng mga panahong ‘yon. Bakit ba naman kasi gumamit pa siya ng condom? Eh ‘di, sana naunahan ko ang gagong ‘yon! Eh ‘di, sana, baka naging daan pa ‘yon para mapa-sa-kaniya si Hensin.

Puno ng pait siyang tumawa. Isa rin siyang malaking gago para maisip ang isa ring katangahang ‘yon. Gano’n na ba siya kadesperado? Pft, magkaiba ang gago at tanga, pero mukhang pinagsama ko. Fuck this! Sarap bugbugin ng sarili niya, baka sakaling matauhan na siya.

“Bakit ba naman kasi gano’n? Sobrang sakit, Bro. Sigurado talaga ako na nagplano na ang dalawang ‘yon ng kasal. Ano na’ng gagawin ko?” Napayuko siya’t pinigilan ang sariling umiyak. Sawang-sawa na siyang umiyak. Damn it! Daig ko pa’ng babae eh! Hindi naman siya iyakin, pero mula nang ma-realize niya ang feelings niya for Hensin, parang bigla’ng naging ibang tao siya.

“Akala ko ba move on na? So, why are you still being like that? Magkaka-anak na silang dalawa, mahal nila ang isa’t isa. Of course, they will end up in marriage. I thought you’ve already accepted that?”

Parang pinalaso ang puso niya dahil sa pagiging prangka ng kaibigan, kaya napasapo siya sa dibdib niya. “Ang sakit naman n’on, Bro. Sapul eh,” kapagkuwa’y pilit na pagbibiro niya.

Muling napabuga ng hangin ang kaibigan. “You know what, Kristof? I understand what you feel. But, you can’t push yourself to someone who’s already in love with someone else. Thus, weather you like or not, you should move on and let her go.”

“’Yon naman ang ginagawa ko, ‘di ba? Kaya nga pilit akong lumayo sa kaniya kahit na sobrang hirap, para lang makalimutan ko na siya.”

“The question is… nalimutan mo ba siya?” Hindi siya nakasagot, dahil alam niya sa sarili niyang hindi. Fuck. “At saka, hindi mo naman kasi siya kailangang kalimutan. I don’t know what’s on your goodness mind to think that stupidness. You should accept it, Kristof, not forget it.”

Mapait siyang tumawa. Hindi niya rin kasi alam kung bakit ‘yon ang mas tumimbang sa kaniyang gawing paraan. Malapit na talaga akong maniwala na nakabo-bobo ang love. Pakiramdam niya kasi ‘yon ang mas madaling paraan.

“But, how? How would I do that? I love her so much. Pinipilit kong tanggapin, but it’s so hard. What should I do, Sigmund?”

“Mahirap talaga. You’re genuinely in love with her; your feelings for her is deep. Kaya matagal talaga ang process ng pag-mo-move on. ‘Yong akala mo kasing tanggap mo na, pero sa loob-loob mo, you’re still hoping na baka may pag-asa pa, kahit na malinaw naman na wala na talaga. Avoiding her and forgetting your feelings for her is actually an idiotic way to move on. You should face her, in that way, you can already start accepting that she will never be yours, because she already has someone else; at hanggang kaibigan lang talaga ang relasyon na kaya niyang ibigay sa ‘yo.”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon