27. Back to Crimson Wood

171 4 0
                                    

CHAPTER 27: Back to Crimson Wood

KINABUKASAN ng umaga ay nagkaroon ng munting salo-salo sa bahay ng mga magulang ni Kristof. Nagluto si Esmeralda ng mga masasarap na pagkain at inimbitahan ang mga kapit-bahay at ilang kamag-anak. Nais kasi ng mga ito na magkaroon ng kasiyahan bago manlang sila umalis pabalik sa Hallony.

Hensin felt touched, because of the overwhelming treatment of the people towards her, kahit na isa lamang siyang dayuhan rito; they made her feel welcomed.

Umpisa pa lang ay naging maganda na ang pakikitungo sa kaniya ng mga tao rito; tanging si Kiray lang naman ang umaaway sa kaniya sa lugar na ‘to eh. Though, ayos naman na sila ngayon. I think.

“Pasalamat ka maganda ako, kaya hahayaan ko na sa ‘yo si Kristof. Gulat ka, ‘no? Oo, nagpaparaya na ‘ko; at pinatatawad na rin kita sa pagsuntok mo sa napakagandang face ko, tutal paalis ka na rin naman eh.” Oo, ayos na sila sa lagay na ‘yan. “Huwag ka nang babalik, hah? Inaagawan mo kasi ako ng mga papables eh. Mula nang dumating ka, nawala ang mga manliligaw ko, dahil lahat sila, ikaw na ang pinapantasya.”

Likas na nga siguro talagang maldita at feeling-era si Kiray, kaya wala na siyang magagawa pa kun’di ang tiisin na lang, ‘tutal paalis na rin naman na sila rito, hindi niya na makikita pa ang pagmumukha nito sa Hallony.

“Biruin mo ‘yon, may manliligaw ka pala. Mabuti naman at may nagkakamali.” Kapagkuwa’y plastic siya ritong ngumiti.

Plastic din itong ngumiti sa kaniya. “Siyempre naman. Ako yata ang pinaka maganda rito sa buong Milyamen. Kaya maraming salamat at aalis ka na, dahil inaagaw mo ang korona ko.”

Natawa at napailing na lamang siya, lalo na nang bigla na lamang may lumapit kay Kiray at pinakilala nitong jowa nito.

Parang kahapon lang nang kausapin ito ni Kristof, ‘tapos ngayon ay may nobyo na agad ito.

Real quick, pft.

And in fairness sa lalake, may itsura. Iba pala ang kamandag ni Kiray. ‘Buti hindi nabiktima si Kristof. Pagtatawanan niya talaga ang kaibigan if ever. Hahaha!

Speaking of Kristof…

Nilingon niya ang kaibigan na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan nitong lalake na dumalo sa maliit na salo-salo.

Kanina niya pa kasi napapansin ang pananahimik nito kapag nasa paligid siya. Kanina pang pag-gising nila ay napaka-dry na ng mga pagsagot nito sa kaniya.

Ano nanaman kaya’ng problema ng lalaking ‘to? Topak?

Malalim siyang napabuntonghininga. Kung kailan naman pabalik na sila sa Hallony, saka pa ito susumpungin ng ka-abnormal-an.

“Lalim n’on ah.”

“Ay, abnormal!” bulalas niya nang bigla na lamang sumulpot sa tabi niya si Sigmund. Sinamaan niya ito ng tingin. “Ba’t ba nanggugulat ka?” kapagkuwa’y hasik niya rito.

“I apologize for startling you,” nakangiting sagot nito, at saka tumingin sa tinititigan niya kanina; si Kristof. “Napansin ko lang na kanina ka pa tingin nang tingin sa kaniya, ‘tapos susundan mo ng malalim na buntonghininga.” Ibinalik nito ang tingin sa kaniya, at saka muling matamis na ngumiti. “Did you two have a problem?”

Muli siyang bumuntonghininga, at saka in-straight ang lamang orange juice ng clear plastic cup na hawak niya, bago niya muling ibinalik ang tingin kay Sigmund na nakangiti pa rin sa kaniya.

Ang guwapo talaga ng lalaking ‘to. Kung mas nauna ko lang ‘tong nakilala kay Zyjill, malamang ito ang naging crush ko noon.

Mabilis niyang iwinaksi ang sinambit ng isipan. Baka bigla’ng bumangon sa hukay ang asawa nito kapag nalaman ang laman ng isipan niya, para lang murder-in siya.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon