23. Apology and Gratitude

154 4 0
                                    

CHAPTER 23: Apology and Gratitude

“TOPE.” Mabilis siyang lumingon sa direksiyon ng ina nang marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya.

Nagpresinta siyang siya na ang maghugas ng mga pinagkainan nila, kaya heto siya ngayon sa lababo’t kasalukuyan nang binabanlawan ang mga plato.

“Bakit ho, ‘Na?” tipid na tanong niya rito habang pinupunasan ang basang kamay sa hawak niyang tuyong bimpo. Sandali niyang iniwan ang ginagawa para harapin ang nana niya.

“Pagkatapos mo riyan, puntahan mo ko ro’n sa may kubo.”

Nangunot ang noo niya. “Bakit po? May problema ba, ‘Na?”

Ngumiti ito sa kaniya, bago sumagot, “Wala naman. May gusto lang akong sabihin at pag-usapan. Kaya bilisan mo riyan at mag-aantay ako ro’n.” At saka na ito tumalikod sa kaniya’t lumabas ng kusina.

Napakamot na lamang siya sa ulo niya, dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan nila.

Nang matapos niya na ang paglilinis sa lababo ay mabilis niya nang sinundan si Esmeralda sa kubo na nasa may likurang bahagi lamang ng kanilang bahay.

Bitbit ang dalawang black coffee na tinimpla niya’y agad siyang lumapit dito.

“Ano po’ng gusto mong sabihin, ‘Na?” kapagkuwa’y tanong niya, matapos maibigay ang isang tasa ng kape rito’t maupo sa harapan nito.

“Salamat,” anito, at saka sumimsim sa tasa ng kape, bago muli ay nakangiting tumingin sa kaniya. “’Tungkol sana kay Kiray,” kapagkuwan ay sagot nito sa tanong niya.

Bahagyang nangunot ang noo niya. “’Tungkol kay Kiray? Ano ho’ng tungkol kay Kiray?”

Marahang bumuntonghininga si Esmeralda, bago seryosong tumingin sa kaniya.

Sabi na eh. Seryoso talaga ang pag-uusapan namin.

“Naaawa lang ako sa batang ‘yon. Alam ko kasi kung gaano ka niya kagusto magmula pa no’ng mga bata kayo…” Bumuntonghininga ito. “Kausapin mo kaya siya? Paniguradong nasasaktan ‘yon ngayon.”

Sumimsim siya sa tasa niya, bago seryosong sumagot. “Para sa’n pa, ‘Na? Baka kapag kinausap ko siya, umasa nanaman siya sa ‘kin. Ayos na ‘yong nakita niya kanina, para ma-realize niya nang hindi ako para sa kaniya.”

“Kristofer. Mula pa noon hindi na maganda ang naging trato mo ro’n kay Kiray. Hindi ko maintindihan kung bakit ba asar na asar ka sa batang ‘yon?”

Hindi ko rin alam kung bakit. Makita ko lang ang mukha niya, na-ba-bad trip na ‘ko.

Napakamot siya sa ulo niya. "Nana—"

“Kaya ang gusto ko ay kausapin mo siya. Humingi ka ng dispensa sa kaniya. Hindi naman ginusto n’ong tao na magkagusto sa ‘yo; hindi niya kasalanan na nasasaktan siya ngayon nang dahil sa ‘yo. Naiintindihan mo ba ‘ko? Humingi ka ng dispensa sa mga naging pagtrato mo sa kaniya. May pinag-aralan ka, kaya dapat ay naiintindihan mo ang mga sinasabi ko ngayon.”

Napayuko siya, dahil alam niyang tama ang ina niya. Naging masama nga talaga ang ugali niya kay Kiray. Medyo nakaramdam tuloy siya ng guilt. Naalala niya ang naging reaksiyon nito kanina nang makita silang dalawa ni Hensin sa kuwarto. Mahina na lamang siyang napabuntonghininga.

Dapat nga siguro ay kausapin ko siya, bago manlang kami bumalik ng Hallony.

Kaya naman matapos ng pag-uusap nilang dalawa ng kaniyang nana, nagpaalam siya rito na lalabas lang, dahil balak niya nang puntahan si Kiray. Bukas na ang balik nila sa Hallony, kaya mas maiging makausap niya na ito ngayon.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon