CHAPTER 22: Don't Feel Regret
GUMUHIT ang isang ngiti sa kaniyang mga labi, nang pagmulat ng kaniyang mga mata'y bumungad sa kaniyang paningin ang mala-anghel na mukha ni Hensin.
Anghel 'pag tulog; demonyita kapag gising, pft.
Mahina na lamang siyang natawa dahil sa sinaad ng kaniyang isipan, at saka niya marahang tinanggal ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ng kaibigan.
"I hope hindi mo 'ko paghahampasin pag-gising mo; gaya ng ginawa no'ng una," kapagkuwa'y mahinang usal niya, na sinundan ng muling mahina at tipid na pagtawa, dahil sa ala-alang 'yon.
Kasunod n'on ay nanumbalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kaibigan kaninang madaling araw. Lasing siya kagabi, pero malinaw sa ala-ala niya ang nangyari.
'Yon ang pangalawang beses na ginawa nilang dalawa 'yon ni Hensin. Mali, dahil magkaibigan silang dalawa, pero wala siyang makapang pagsi-sisi sa loob niya. Dahil aminin niya man o hindi, gustong-gusto niya ang nangyari.
Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi niya, nang bigla ay maalala niya ang mga sinabi sa kaniya ni Sigmund...
"Hindi na lang kayo basta magkaibigan ngayon, Kristof. What do you think the reason why the both of you wanting each others kiss? Or, kiss lang ba talaga ang gusto niyo sa isa't isa? That's absurd."
"Bakit nga ba? Sa tagal na nating magkaibigan, bakit bigla'ng naging ganito ang sitwasyon natin ngayon? Bakit tayo umabot sa ganito?"
"Naguguluhan ka dahil in denial ka. I understand you, dahil matagal na nga kayong magkaibigan ni Hensin. Siguro nga, naguguluhan ka ngayon sa nararamdaman mo. But, I'm telling you, Kristof, hindi na lang basta kaibigan ang tingin mo kay Hensin. You're now seeing her more than that. Find it out, habang maaga pa. Baka magsisi ka kapag nahuli ka na."
"Tama ba talaga si Sigmund? In denial lang ba talaga ako? Am I really now seeing you more than I should?"
Naguguluhan siya sa nararamdaman; natatakot; nangangamba. Dahil alam niyang sa oras na maging totoo nga ang sinasabi ni Sigmund, maaaring 'yon na ang maging katapusan ng pagkakaibigan nilang dalawa ni Hensin.
Unti-unti ay bumilis sa pagtibok ang puso niya dahil sa pagkabahalang nararamdaman, habang nakatitig pa rin sa mukha ng nahihimbing na kaibigan.
Kapagkuwan ay magaan niya itong hinaplos sa pisngi. "We're inseparable, right? I don't want to ruin that; I don't want to ruin our genuine camaraderie."
Mabilis niyang naialis ang kamay niyang nasa pisngi nito, nang unti-unti ay magmulat ang mga mata ni Hensin.
Marahan siyang napalunok nang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Mukhang mahahampas nanaman yata siya ngayon.
Kaya naman inihanda niya na ang sarili na saluhin ang mabibigat na mga kamay ng kaibigan.
But, seems like he's wrong, dahil sa halip na paulanan siya ng mga hampas ay tumihaya lamang ito't nag-unat, na para' bang wala lang dito ang kaalamang hubad ito sa ilalim ng kumot; ni hindi nga pinansin ang paglislis ng kumot dahil sa pag-inat nito, dahilan para lumantad sa paningin niya ang bilugan nitong hinaharap.
Muli itong tumagilid paharap sa kaniya, matapos nitong mag-inat, hindi manlang pinagkaabalahang ayusin ang nalislis na kumot at takpan ang dibdib nito.
Napabuntonghininga na lamang siya't hindi na pinansin pa 'yon. Mukhang wala nang problema ang kaibigan niya sa nangyari sa kanila; mukhang tanggap na nito ang pagkakamaling inulit nanaman nila.
"Morning," mahinang pagbati ni Hensin sa kaniya.
Kaya tipid niya itong nginitian, bago sinagot, "Morning."
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...