CHAPTER 21: Luscious Mistake
MAINIT at mapangahas ang pinagsasaluhan nilang halik, kasabay ng mga maiinit na haplos nila sa katawan ng isa’t isa. Dalang-dala na siya sa ginagawa nila na nakapagpapawala sa kontrol niya sa sarili niya.
This can’t be happening. But, I love this…
Si Kristof lang ang lasing sa kanilang dalawa, pero pakiramdam niya’y nalalasing na rin siya sa mga halik pa lamang nito.
What to do? Ano’ng gagawin niya? Pipigilan niya ba itong ginagawa nila, bago pa umabot sa kung saan? Pero ang tanong, kaya niya pa ba’ng pigilan ang sarili niyang tumugon sa mga halik at haplos ng lalaking ito?
“Hmm…” mahinang daing niya nang bumaba ang halik ni Kristof sa leeg niya. “Kristof…” kapagkuwa’y pag-anas niya sa pangalan nito, habang humahaplos sa magulo na nitong buhok.
Na-miss niya ang ganitong pakiramdam; ang seksuwal na sensasyon. Magmula kasi nang maghiwalay sila ni Zyjill, wala nang nakapagpaparamdam pa sa kaniya ng ganito.
Ganito na ba siya kauhaw? Kaya pati ang kaibigan niya ay hindi niya na magawang tanggihan?
Napakagat na lamang siya sa kaniyang pag-ibabang labi, kasabay ng kaniyang pagpikit; dinarama ang sarap na ibinibigay sa kaniya ng kaibigan niyang si Kristof.
Bahala na nga…
Kaya iyon nga ang ginawa niya. Hinayaan niya na lamang ang sarili na magpatangay sa agos ng kanilang kapusukan. Wala nang pakialam sa kung ano’ng kalalabasan ng pagkakamaling kanila nanamang ginagawa.
Isang masarap na pagkakamali…
***
LASING siya, pero alam niya kung ano ang ginagawa niya; ang ginagawa nilang dalawa ni Hensin. Bumabalik sa kaniya ang pakiramdam nang unang beses silang magtalik.
Damn it!
Ito nanaman siya. Lasing din siya nang gabing ‘yon, at hinayaan niya lang na may mangyari sa kanilang dalawa ng kaniyang nag-iisang kaibigang babae.
‘Tapos ngayong gabi, mukhang gano’n nanaman ang mangyayari. Isa nanamang pagkakamali na hahayaan niyang magpatuloy; pagkakamaling gustong-gusto niya namang ulit-ulitin.
“Kristof…” anas ni Hensin nang dumapo na ang kaniyang mga labi sa dibdib nito, matapos niyang matanggal ang natitirang saplot nito sa pang-itaas.
Napatitingalang napasabunot sa kaniyang buhok ang kaibigan, nang simulan niya nang isubo ang tetilya nito. He sucked, nipped, and licked it, na nagpapadaing kay Hensin sa sarap.
Habang abala ang kaniyang mapangahas na labi sa dibdib nito, gumapang naman ang mga kamay niya sa baiwang nito, hanggang sa matunton ng mga kamay niya ang butones ng jeans nito.
Kasunod n’on ay dali-dali niya nang tinanggal ang butones nito’t ibinaba ang jeans nito, kasabay ng suot nitong pangloob.
Humiwalay ang labi niya sa dibdib ng kaibigan, para tuluyan niya nang matanggal ang saplot nito sa pang-ibaba. Tinulungan pa siya ni Hensin sa pagtanggal n’on, bago siya hinila para muling mahalikan.
Muli siyang dumagan dito, habang marahas silang nagpapalitan ng laway. Wala nang kahit isang saplot ang babae sa katawan, kaya naman damang-dama niya na ang napakakinis nitong balat sa buong katawan.
Nagsimulang magronda ang kaniyang mga kamay, hanggang sa madama na ng kaniyang palad ang kumakatas na nitong hiyas.
Tumigil siya sa paghalik dito, at saka niya ito nginisian. “You’re so wet,” kapagkuwa’y nakangising saad niya, habang dinadama ang pagkababae nito.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romans[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...