28. Let Him Explain

163 6 0
                                    

CHAPTER 28: Let Him Explain

“WHAT’S with that drama?” nakangising panimula ni Sigmund pagpasok nila sa loob ng apartment niya.

Pabagsak siyang naupo sa mahabang sofa na nasa sala niya, bago niya ito kunot noong tinignan. “What are you talking about?” kapagkuwa’y pagmamaang-maangan niya. Alam niya naman kasi kung ano ang tinutukoy nito.

Naupo ang kaibigan sa single sofa na nasa bandang kaliwa niya, bago siya nito sinagot, “You know what I’m talking about. I’m not blind; and Hensin told me.”

Sinimangutan niya ito. Bigla kasing bumalik sa ala-ala niya ang biglaang paghila ni Hensin kay Sigmund papasok sa loob ng kuwartong ginagamit nito. Gusto sana niyang sundan ang dalawa kanina, pero nagdalawang isip siya, hindi niya kasi magawang pakitunguhan ng maayos ang babaeng kaibigan, dahil sa kaguluhan ng utak niya.

“Ano nga pala ang ginawa niyo sa loob ng kuwarto niya kanina bago tayo umuwi? What did you two talked about?” naghihinalang tanong niya rito.

Tandaan mong buhay pa ang asawa mo, Sigmund. Hinding-hindi magugustuhan ni Ivy kapag gumawa ka ng kalokohan.

Though, wala naman sa personality ni Sigmund ang magloko; mahal na mahal nito ang asawa nito; at hindi ito traidor.

Muli itong ngumisi sa kaniya. “Jealous?” kapagkuwa’y may pang-aasar na tanong nito.

Napairap na lamang siya. “Seriously, Sigmund. Ano nga’ng pinag-usapan niyo? Bakit bigla ka na lang niyang hinila papasok sa loob ng kuwarto? Alam mo ba’ng pati sila Nana, nagtaka? Baka kung ano na’ng iniisip ng mga ‘yon. Ayo’ko namang masira si Hensin sa kanila.”

Kung ano-ano na nga lang paliwanag ang sinabi niya sa magulang niya kanina, para lang huwag masira sa paningin ng mga ito ang dalawang kaibigan.

Girlfriend niya si Hensin sa kaalaman ng mga ito. Ano na lamang ang iisipin ng mga ito kapag nakitang pumasok ang girlfriend niya sa kuwarto kasama ang best friend niya?

Or, baka ako lang talaga ang marumi ang utak?

“Kung hindi mo lang pinaiiral ‘yang kaartehan mo at maayos mong kinakausap si Hensin, hindi niya ‘ko hihilahin sa loob ng kuwarto para lang mag-share sa ‘kin ng sikretong alam ko naman na.”

Naguluhan siya. “Sikreto?”

Tumango si Sigmund. “The secret about your fake relationship with her. Akala niya wala pa ‘kong alam; pero hindi naman na raw siya nagulat na alam ko.” Seryoso siyang tinignan ng kaibigan. “Nagtataka siya sa pakikitungo mo sa kaniya magmula pa kaninang umaga. Maayos naman daw kayo kagabi; well, rinig na rinig ko naman ang pagiging maayos niyo hanggang madaling araw.”

Napangiwi na lamang siya. Sinasabi niya na nga ba’t rinig nanaman sa buong bahay ang ingay nilang dalawa ni Hensin kagabi.

Nagpatuloy si Sigmund, “But, she mentioned what the last thing you two talked about last night. It’s about getting back on being a normal friend, right? And, you’re not agreeing to the idea. Kaya ka ngayon ganyan sa kaniya.”

Napayuko siya, kasi alam niyang tama ang kaibigan. Naiinis din siya sa sarili niya. Hindi kasi tama ang ginagawa niya. Hensin don’t deserve it, nasa kaniya lang naman kasi ang problema.

“Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin ‘tulad ng dati. Magmula nang may mangyari sa ‘ming dalawa, ang dami nang nagbago sa ‘min. Hindi ko na alam kung paano pa ibabalik ang dating samahan naming dalawa.”

Natatakot siyang mawala ito sa kaniya; natatakot siya na baka magising na lang siya isang araw na nilalayuan na ng kaibigan. He doesn’t want that to happen. He treasured Hensin like his only gems. He wants to keep her for life.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon