36. He Likes Her?

126 4 0
                                    

CHAPTER 36: He Likes Her?

“NO WAY in hell!” Pabalikwas siyang bumangon sa kama niya’t mariing kumamot sa ulo niya, dahil hindi mawala sa isip niya ang ideyang ipinasok ni Joy kanina sa isip niya.

“Bakit naman magkakagusto sa ‘kin ang abnormal na ‘yon? Ilang beses ngang ipinamukha sa ‘kin ng sperm na ‘yon na hindi niya ‘ko type. Isang malaking ka-shit-an ang magkagusto siya sa ‘kin!” Napatango-tango siya bilang pagkumbinsi sa sarili na tama siya. “Tama, ‘yon nga ‘yon; isa ‘yong malaking kalakohan! Side effect lang siguro ng mga gamot ni Joy, kaya kung ano-ano na ang naiisip at nasasabi niya.”

Pero sino ba’ng niloko niya? Kahit na ilang beses niya pang kumbinsihin ang sarili niya na isa lang malaking kalokohan ang idea na magkagusto sa kaniya si Kristof, hindi niya pa rin ito magawang madispatya sa isip niya.

Pakiramdam niya’y mababaliw na talaga siya sa kaiisip; pakiramdam niya’y kaunti na lang ay malapit na siyang dalhin sa asylum.

Sa asylum kung sa’n nagtatrabaho si Kristof…

“Uggrrr!!!” Napasabunot na lamang siya sa buhok niya. Malapit na talaga siyang masiraan ng bait. Ano ba’ng nangyayari sa kaniya? Bakit ba kailangan na magkaganito siya?

“Eh, ano naman kung magkagusto sa ‘kin ang abno na ‘yon? Hindi ko na problema ‘yon, ‘no! May Zyjill na ‘ko, kaya wala na siyang pag-asa! Kaya totoo mang may gusto siya sa ‘kin o hindi, wala na dapat akong pake!”

Muli siyang humiga’t nagtalukbong ng kumot, pinilit ang sariling matulog na, dahil maaga pa siya sa trabaho bukas.

Pero bigo niyang nagawa ‘yon, kaya naman kinabukasan ay pumuputok ang eye bugs niya’t pahikab-hikab siya sa trabaho.

“Ano’ng pinagkaabalahan mo kagabi’t parang wala kang tulog? Kanina ka pa hikab nang hikab,” puna na ni Angelina sa kaniya nang matapos silang mag-rounds at bumalik na rito sa nurse station.

“Wala, sinumpong lang ako ng insomnia ko.” Kahit wala naman talaga akong insomnia. Hindi lang talaga siya nagawang patulugin ng ideyang ‘yon ‘tungkol kay Kristof.

“May insomnia ka? Kailan pa?” gulat na tanong nito, kaya napairap na lamang siya.

“Kagabi lang. Sige na, balik na tayo sa trabaho,” sagot niya, at saka na ito tinalikuran at naglakad palayo.

“Sungit mo ngayon. Me’ron ka ba?” rinig niya pang saad ng babae, pero hindi niya na ito pinansin pa. Wala siyang tanang makipag-plastic-an ngayon.

Shock! Gusto kong matulog!

Dumeretso siya sa may vending machine. Iinom na lamang siya ng kape, baka sakaling mawala ‘tong antok niya.

Muli siyang humikab habang naghihintay sa kape niya, pero napaigtad siya nang may bigla na lamang yumakap sa kaniya mula sa likuran niya.

“Zyjill, ano ba!” mahinang bulalas niya’t tinangkang kumawala rito, pero sa halip na bumitaw sa kaniya’y isinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya, kaya hinampas niya ito sa braso. “Ano ba, Zyjill, nakakahiya,” aniya, habang inililibot ang paningin sa paligid. Napangiwi na lamang siya nang makitang nakatingin sa kanila ang ilang mga tao na nasa paligid nila.

“I’m so tired, Hens. Kagagaling ko lang sa tatlong sunod-sunod na operasyon. I need my stress reliever,” anas nito, habang ang mukha ay nakabaon pa rin sa leeg niya, dumadampi-dampi ng halik na sinasabayan pa ng pagsinghot na tila’y inaamoy-amoy ang leeg niya, dahilan para makaramdam siya ng kiliti.

Public Display of Affection na ‘tong ginagawa nila, kaya naman sapilitan na siyang humiwalay sa nobyo’t hinarap ito.

“Bawal ang PDA rito,” nakabusangot na saad niya, at saka kinuha ang cup ng kape niya. “Coffee, you want?” kapagkuwa’y alok niya rito, bago humigop sa hawak niyang cup.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon