CHAPTER 17: Bewilderment
KAPWA silang tahimik ni Hensin habang nasa biyahe pauwi. After the kiss, bigla na lamang nag-ayang umuwi ang kaibigan, hindi na nga pinansin ang biglaang pagkawala ni Kiray na hindi nila napansing umalis na pala. Hindi na siguro natiis na panoorin silang maghalikan sa harapan nito.
Muli niyang sinulyapan si Hensin habang sakay sila ng jeep pabalik sa Milyamen; ang bayan nila. Nakatulala lang ito sa paanan nito na para bang ang lalim ng iniisip.
Marahan na lamang siyang napabuntonghininga. Akala niya magiging maayos na sila pagkatapos ng araw na ‘to. Mukhang lumala pa yata ngayon dahil sa ginawa nilang paghahalikan sa parke.
Hanggang sa makauwi sila ay hindi sila nag-iimikan. Mukhang napansin pa nga ‘yon ng nana at tata niya, pero hindi na lamang nagtanong ang mga ito sa nangyari.
Gusto niyang kausapin si Hensin, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Kailangan ba mag-sorry siya? But, he don’t feel sorry on what happened. Nagustuhan niya ‘yong kiss, kahit na itanggi niya pa, alam niya ‘yon sa loob-loob niya.
Kailan ko ba hindi nagustuhan ang halik ni Hensin? Tss.
Sa tuwing naglalapat ang kanilang mga labi, parati ‘yong naghahatid ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kaniya. Basta ang alam niya lang ay nagugustuhan niya ‘yon; at gusto niya ‘yong ulit-ulitin.
Kaya naman nang pumasok na si Hensin sa kuwartong gamit nito, nagpaalam siya sa mga magulang niya na magtutungo lang sa kubo sa likod-bahay para magpahangin.
Magdidilim na rin, kaya naman binuksan niya ang ilaw sa kubo para magkaro’n ng liwanag.
At hindi pa man siya nagtatagal do’n ay dumating si Sigmund at naupo sa puwesto na nasa tapat niya. Parang ganito rin ang puwesto nila kaninang umaga.
“So, how was your date?” panimula nito na may tipid na ngiti sa labi.
“It’s not a date, Sigmund,” saad niya, kapagkuwan ay mabilis din namang dinugtungan. “Well, Kiray stalked us. Nagkasagutan uli sila ni Hensin, pero hindi naman na sila nag-ramble-an. Because Hensin kiss—” Natigilan siya nang maalala nanaman kung paano siyang bigla’ng halikan ng kaibigan.
“Kiss?” Nanliit ang mga mata ni Sigmund. “Hensin kissed you?”
Napaiwas siya ng tingin sa kaibigan, at saka siya marahang tumango. Nahihiya ba siya? The fuck? Kailan pa siya natutong mahiya? Lalo na at sa matalik niya pang kaibigan?! Ikinukuwento niya pa nga rito ang mga sex experience niya noon. ‘Tapos itong kiss lang na naganap sa pagitan nilang dalawa ni Hensin, mahihiya siya? What the fuck talaga!
“So, she kissed you para pagselosin si Kiray? What happened after that? Bakit wala nanaman kayong kibuan ngayon?”
Because it’s not just an ordinary kiss.
“We kissed passionately; at nagustuhan ko ‘yon. After the kiss, she even requested me to kiss her again.” Marahan siyang umiling. “I dunno what’s happening to us. Kaibigan ko siya, Sigmund; and I know, friends don’t kiss.” And friends don’t sex. At nagawa na rin nila ‘yon.
Hindi niya alam kung ano na ba’ng nangyayari sa kanilang dalawa; sunod-sunod na ang paglabag nila sa limitasyon ng friendship nila. Napayuko na lamang siya. Hindi niya na alam kung ano na’ng mangyayari sa pagkakaibigan nila ngayon.
“You like her kiss?”
“No. I love it,” pagtatama niya.
“How ‘bout her? Nagustuhan niya rin ba?” muling tanong nito, dahilan para matigilan siya’t mapaisip.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...