CHAPTER 47: For His Sake
KALMADO na ngayon si Hensin, dahil na rin sa itinurok na pampakalma sa kaniya ng doktor niyang si Gilbert. Pero ‘yong sakit sa pagkawala ng pinagbubuntis niya, nando’n pa rin, at kailan man ay mukhang hindi na ‘yon mawawala pa.
Muling tumulo ang butil ng luha mula sa mga mata niya, hanggang sa unti-unti na siyang makatulog.
Gabi na nang muli siyang magising, at ngayo’y kasalukuyan niyang kasama ang kapatid niya at katatapos lamang siya nitong pakainin.
“Walang kasalanan si Kristof sa nangyari. Why are you blaming him?” panimula ni Hanson, matapos maupo sa upuang nasa tabi ng kama niya.
Napabuntonghininga siya’t napaiwas ng tingin. Inasahan niyang magtatanong ang kapatid niya, dahil hindi naman talaga tama ang paninising ginawa niya kay Kristof, dahil wala naman talaga itong kasalanan.
Pero dala na rin ng galit at sakit na nararamdaman niya, naibuhos niya ‘yon sa lalake. At hindi lang ‘yon, may isa pa siyang dahilan…
“Gusto kong ituloy niya lang ang paglayo sa ‘kin; gusto kong tuluyan na siyang umalis sa buhay ko,” mahinang sagot niya, habang ang mga mata niya’y nakatitig sa direksiyon ng bintana, kung sa’n kitang-kita niya ang madilim nang kalangitan. Wala manlang siyang nakikitang mga bituin.
“Why? Are you that mad at him?”
Mabagal siyang umiling, at pinanatili lamang ang kaniyang paningin sa labas ng salaming bintana. “I’m not. I’m just devastated because he keep on pushing me away from his life.” Nilingon niya ang kapatid. “But, I realized, dapat ngang lumayo na siya sa ‘kin, para hindi na siya madamay pa sa problema natin.” Muling may tumulong luha mula sa mga mata niya, kaya mabilis niya ‘yong pinunasan, at saka mapait na ngumiti. “Ayo’kong madamay si Kristof sa problema natin ngayon. Nawala na ang anak namin, ayo’kong pati siya ay mapahamak nang dahil sa ‘kin.”
Hinawakan ni Hanson ang isang kamay niya, habang umiintinding nakatingin sa kaniya. “I now understand. Pero hindi mo naman sinisisi ang sarili mo sa nangyari, ‘di ba? Dahil wala kang kasalanan, Hensin. Walang may kasalanan sa ‘tin kun’di ang taong ‘yon lang; siya lang ang hayop na may kasalanan sa lahat nang ‘to.” Ramdaman niya ang galit sa boses nito, at kitang-kita rin niya ang pamamasa ng mga mata nito.
Tama ito, walang ibang may kasalanan kun’di ang demonyong ‘yon lang, kaya kailangan nitong magbayad sa lahat ng sakit na ibinigay nito sa kanilang dalawang magkapatid.
Kung kinakailangan ay ako mismo ang papatay sa kaniyang hayop siya!
Naikuyom niya ang mga kamao niya. “Pagbabayarin natin siya, Kuya. Hindi ko mapalalampas ang ginawa niyang ‘to. Pinatay niya noon sina Nanay at Tatay, ‘tapos ngayon ang baby ko naman. Gusto kong magbayad siya, Kuya; gusto kong magbayad siya nang malaki!” Buhay ang nawala. Kaya gusto kong buhay rin ang maging kapalit!
Tipid na ngumiti si Hanson, kasabay ng pagpisil nito sa kamay niyang hawak nito, at saka ito tumango sa kaniya. “Oo, pagbabayarin natin siya ng malaki. Sisiguraduhin kong habang buhay siyang mabubulok sa bilangguan,” puno ng determinasyong sagot nito.
No, Kuya, hindi ‘yon sapat; hindi sapat ang habang buhay na pagkakakulong. Gusto kong masunog siya sa impiyerno. Kung kinakailangang ako mismo ang maghatid do’n sa kaniya, gagawin ko!
Pero hindi niya na sinabi pa ‘yan sa kapatid niya, dahil alam niyang hindi ito sasang-ayon sa gusto niya. Kahit gaano pa kagalit at nasasaktan si Hanson, alam niyang susunod pa rin ito sa pinaniniwalaan nitong batas.
Wala na siyang pakialam sa kung ano’ng kahihinatnan nitong binabalak niya. Ikamatay niya man ito o hindi, wala na siyang pakialam pa.
Kaya kailangan mo na’ng lumayo sa ‘kin, Kristof. Ituloy mo ang pagtulak sa ‘kin palayo. Para sa kaligtasan mo.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...