50. Kill Me Instead

139 4 0
                                    

CHAPTER 50: Kill Me Instead

“FUCK!” naibulalas ni Detective Hanson nang maabutan nila ang mga nagbabantay sa labas ng apartment ng mga ito na nakahilata na sa sahig na semento at walang mga malay.

Mabilis na tumakbo ang detective papasok sa loob ng apartment, kaya mabilis siyang sumunod dito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa pag-aalala para kay Hensin.

“Hensin!” tawag ni Hanson sa kapatid nang makapasok sila sa loob, pero agad silang nanlumo nang makita ang magulong sala ng apartment, at sa pader ay may nakasulat na…

‘MISSED ME, LITTLE BOY? HAHAHA!!!’

“You, son of a bitch!” galit na sigaw ni Hanson, at saka malakas na ibinato ang nahawakang lampshade sa pader kung sa’n nakasulat ang malaking mensahe mula sa salarin.

Hensin… Mas lumala ang pangamba at pag-aalala niya para kay Hensin. Hawak na ito ng taong gustong manakit dito. Nasa panganib ang buhay nito. Fuck!

“What are we going to do, Detective? Sa’n natin sila hahanapin?” puno nang pag-aalalang tanong niya sa detective.

Mariing napahilamos sa mukha at napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri si Hanson, bago puno ng takot at pag-aalalang tumingin sa kaniya. Mabagal itong umiling. “Hindi ko alam,” kapagkuwa’y mahinang sagot nito.

“What?! Paano na? Hindi puwedeng wala tayong gawin!” pabulalas na sagot niya. Hindi puwedeng hayaan na lamang nila na saktan ng taong ‘yon si Hensin; kailangan nilang iligtas ang dalaga.

“Of course, I’ll do something!” mariing sagot nito. “Pero hindi ko alam kung sa’n mag-uumpisa, dahil hindi ko alam kung sa’n hahanapin ang demonyong ‘yon; at ‘yon ang aalamin ko. Hindi ko hahayaang pati ang kapatid ko ay kunin niya sa ‘kin!” kapagkuwa’y seryosong sambit nito, bago may kung sino’ng tinawagan sa phone nito.

Mariin siyang napahilamos sa mukha niya. Bakit ba nangyayari ang bagay na ‘to? Ang mga damdamin nilang hindi mapigilan lang naman ang pinoproblema nila noon eh, bakit biglaang nagkaganito? Para’ silang nasa isang heavy romance novel na biglaang na-shift sa isang mystery/crime story.

Sana lang talaga maayos lang si Hensin. Hindi niya alam kung ano’ng mangyayari sa kaniya kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal niya. Pero kasama naman siguro nito si Zyjill, ‘di ba? Ang sabi ni Detective Hanson ay magkasama ang dalawa, at nawawala rin ngayon si Zyjill, kaya malamang na magkasama nga ang mga ito.

Ngayon lamang nangyari na nakaramdam siya ng tuwa sa isiping kasama ni Hensin si Zyjill, dahil alam niyang hindi hahayaan ni Zyjill na masaktan si Hensin; alam niyang kahit na ano’ng mangyari ay hindi hahayaan ng lalakeng ‘yon na may mangyaring masama sa fiance nito.

Napapikit na lamang siya’t malalim ba bumuntonghininga. Everything’s going to be alright. At saka siya tahimik na nanalangin para sa kaligtasan nina Hensin at Zyjill.

Nang matapos si Detective Hanson sa kausap nito, agad itong lumapit sa kaniya at inaya na siyang umalis para magtungo sa headquarters ng mga ito. Isinasama siya ng detective, dahil ayaw nito na mawala siya sa paningin nito, na pabor na pabor naman sa kaniya, dahil kahit na hindi pa siya nito isama, magpupumilit pa rin siya, dahil gusto niyang tumulong para mahanap at mailigtas si Hensin.

Hindi siya mapapalagay kung wala siyang gagawin, kaya kahit na ano’ng ipagawa sa kaniya, basta makatulong siya sa pagliligtas kay Hensin ay handa niyang gawin kahit na ano.

Kahit pa ang palusubin nila ako sa gitna ng mga bala ay gagawin ko, mailigtas lang si Hensin.

Mas gugustihin niyang siya na lamang ang mapahamak, huwag lamang ang babae.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon