CHAPTER 2: Hold or Let Go?
KINABUKASAN ay maaga siyang pumasok sa trabaho. Kailangan niyang tapusin ngayon ang trabahong hindi niya tinapos kagabi.
Ayaw na ayaw niya talaga ang may trabahong hindi natatapos na nasa schedule niya. Pero nang dahil kay Hensin, heto siya’t gumising ng mas maaga, para lang makapasok ng mas maaga.
At gaya ng inaasahan niya, wala pa ang secretary niya nang makarating siya sa clinic niya. Kaya naman sinimulan niya na ang dapat ay natapos niya na kagabi pa.
Lumipas ang oras, at ngayon ay katatapos lang ng sessions niya sa mga pasyente niya rito sa Crimson Mental Asylum.
Nang makarating siya sa opisina niya’y pagbagsak siyang naupo sa swivel chair niya, matapos niyang tanggalin ang white coat niya. Lunch time na, kaya naman pagkakataon niya ito para magpahinga.
Isinandal niya ang kaniyang ulo sa headrest ng kaniyang swivel chair, at saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata.
Ang sarap matulog.
Pero muli siyang napamulat nang maramdaman niya na ang pagwawala ng kaniyang tiyan. Nalimutan niyang hindi nga pala siya nakapag-almusal kanina. Masyado siyang naging abala sa trabaho, kaya naman ngayon niya lang naramdaman ang gutom.
Mabilis siyang umayos ng upo at pinindot ang intercom para makausap ang kaniyang secretary.
Pero hindi pa man siya nakapagsasalita ay inunahan na siya nito, “Your lunch will arrive in a minute, Doc. Alam kong pagod ka, kaya alam ko ring diyan ka na kakain sa office mo.”
Napangiti na lamang siya. “Thanks, Hillary. ‘Yan ang gusto ko sa ‘yo ehh. Mag-lunch ka na rin.”
“Yes, Doc.” At saka niya na pinatid ang linya.
Matagal niya na ring secretary si Hillary. Magmula nang maging isa na siyang ganap na doktor ay ito na ang may hawak sa posisyong ‘yon.
Though, she’s over qualified for the position, mas pinipili pa rin nito ang manatili bilang isang sekretarya niya. Kung tutuusin ay puwedeng-puwede itong matanggap sa mga matataas na kumpanya, kung gugustuhin lang nito. Kaya hindi niya rin alam kung bakit mas pinipili pa rin nito ang manatili sa puder niya.
Pero sobrang pabor naman sa kaniya ang pagiging loyal nito sa kaniya, dahil talagang naaasahan niya ang dalaga sa lahat.
Babalik na sana siya sa pagsandal sa headrest at pagpikit nang bigla na lamang tumunog ang kaniyang cellphone, tanda na may tumatawag.
At agad na nangunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Detective Hanson sa screen. Ano nanamang me’ron? May nangyari nanaman ba sa kaibigan niya?
Kaya mabilis niya nang sinagot ang call nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba para kay Sigmund. Sana naman walang nangyaring masama rito.
“Detective, napatawag ka?” salubong niya sa detective ng Crimson Wood, nang sagutin niya na ang tawag nito.
Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga nito, dahilan para lalo siyang makaramdam ng kaba.
“Is there any problem, Detective? May nangyari ba sa kaibigan ko?” kinakabahang tanong niya rito.
“Don’t worry, walang nangyaring masama kay Dr. Legaspi,” sagot nito, dahilan para makahinga siya ng maluwag. Pero bakit pakiramdam niya ay may hatid na hindi magandang balita sa kaniya ang detective?
“Mabuti naman. Anyway, why did you call?”
“Ivy’s dead.” Nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa narinig. Kasabay ng muling pagsibol ng pag-aalala para sa kaibigan niya. What the hell happened? “I think your friend needs you right now. Kanina pa tahimik si Dr. Legaspi at hindi ko makausap. I think, he needs a trusted friend?”
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romansa[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...