41. Plan and Confess

110 3 0
                                    

CHAPTER 41: Plan and Confess

LUMIPAS ang tatlong araw, at sa loob ng mga araw na ‘yon, pakiramdam ni Hensin may kulang sa kaniya. Naguguluhan pa rin siya; gulong-gulo pa rin ang isip niya sa kung ano ba ang dapat gawin sa sitwasyon niya.

Hanggang ngayon nga’y hindi niya mabigyan ng sagot si Zyjill sa gusto nitong mangyari. Tama ba’ng pakasalan niya ito at ipaako rito ang batang hindi naman nito anak? Na-gi-guilty siya.

Pakiramdam niya’y magiging selfish siya kung pipiliin niyang desisyon ang gustong mangyari ni Zyjill. Ayaw niyang maging makasarili; ayaw niyang saktan ng sobra ang nobyo niya; at ayaw niya ring ipagdamot kay Kristof ang magiging anak nila.

Kaya sa loob ng tatlong araw, naging matamlay siya, dahilan para hindi siya makapag-focus sa trabaho niya. Buntis siya, pero nasa early stage pa lang naman siya, kaya puwede pa siyang magtrabaho. Pero dahil sa kaguluhan ngayon ng isip niya, nahihirapan siyang mag-focus sa trabaho niya.

“Umuwi ka muna kaya? Halata nama’ng hindi ka okay. Kanina ka pa lutang,” saad ni Angelina nang matapos silang mag-rounds sa mga wards.

“Ayos lang ako,” tipid na sagot niya, at saka tumitig sa chart niya at nagkunwaring abala, para tigilan na siya ng plastic niyang kaibigan.

“Tama si Nurse Angelina, Nurse Hensin.” Mabilis na napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ng head nurse nila na si Head Nurse Gina. “No’ng nakaraan ko pa napapansin na wala ka sa focus,” pagpapatuloy nito.

Napayuko siya. “Pasensiya na po, Head Nurse,” ang tanging nasambit niya, kasi alam niyang totoo.

“Ganyan na siya mula nang malaman niyang buntis siya, Head Nurse,” sumbong naman ni Angelina sa bagong dating. Gusto sana niyang umirap, pero wala siyang ganang magmaldita ngayon.

Narinig niya ang pagbuntonghininga ng head nurse, kasunod ng muli nitong pagsasalita sa malumanay na boses, “We understand, Nurse Hensin, kaya huwag kang mag-alala. Bibigyan kita ng tatlong araw na pahinga, kaya sige na’t umuwi ka na.”

Gulat siyang nag-angat ng tingin dito. “Pero, Head Nurse---”

“Wala nang pero-pero,” mabilis na putol nito sa kaniya. “Hindi naman puwedeng magpatuloy ka sa trabaho nang wala sa focus. Alalahanin mong sa ospital ka nagtatrabaho, buhay at kalusugan ng pasyente ang hawak natin dito. Kaya umuwi ka na; ayusin mo ‘yang sarili mo. At pagkatapos ng tatlong araw, gusto ko maayos ka na’t naibalik na ang focus mo sa trabaho,” pagtatapos nito, kaya naman wala na siyang nagawa pa kun’di ang sumunod sa utos nito.

Nang makarating sa locker room para kunin ang gamit niya, agad siyang nagpadala ng message Kay Zyjill, para sabihin dito na uuwi na siya. Alam niyang abala ito ngayon sa trabaho, lalo pa’t nalaman niyang nasa operating room ito ngayon, kaya naman hindi na siya naghintay ng reply mula rito’t mabilis nang nilisan ang ospital.

Habang nag-aabang ng taxi, isang tao ang naaninagan niya mula sa kabilang kalsada; medyo malayo ito dahil malawak ang kalsada. Kung titignan mo, parang simpleng sibilyan lang naman ito na nag-aabang din ng masasakyan. Pero hindi…

Bumilis sa pagtibok ang puso niya. Kahit na naka-shades ito, alam niyang nakatitig ito ngayon sa kaniya. Malayo ito, pero malinaw ang paningin niya, at kilalang-kilala niya ang taong ‘yon.

Naikuyom niya ang mga kamao niya. Ano ba’ng kailangan niya? Bakit ba nagpapakita siya sa ‘kin?!

Binabalot siya ng takot at pangamba, pero hindi na siya mahina ngayon; kaya niya na’ng ipagtanggol ang sarili niya sa demonyong taong ‘yon. Kaya naman lumakas ang loob niya’t matalim na tinignan ang lalake.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon