CHAPTER 40: Should or Shouldn’t
AT FIRST, Zyjill really wants to know who’s the father; he really wants to know how it happened. Pero, nang makaharap niya si Hensin; ang babaeng mahal na mahal niya, bigla siyang nakaramdam ng takot.
Bigla siyang nakaramdam ng takot sa maaaring malaman niya. Kaya naman naisip niyang huwag na lang munang alamin; ayaw niya na’ng malaman kung sino ba ang lalakeng nakabuntis sa girlfriend niya.
But, His girlfriend is a natural stubborn…
“It was Kristof, Zyjill; he’s the father of my baby.”
Bigla siyang nanlamig sa narinig, at parang nagpaulit-ulit sa pandinig niya ang pangalan ng taong nakabuntis kay Hensin.
So, it was her so called… best-friend. He mentally laughed. All along, my jealousy has its reason; may dapat naman pala talaga akong pagselosan.
Parang tinarakan ng sandamukal na patalim ang puso niya dahil sa kaalamang may namagitan sa taong mahal niya at sa taong higit na pinagseselosan niya. Parang gusto niyang sumbatan si Hensin, lalo na kapag naaalala niya ‘yong mga panahong sinasabi nito na huwag siyang mag-alala, dahil magkaibigan lang ang mga ito.
Really? Friend?
Gusto niyang sarkastikong tumawa sa harapan nito, pero pinigilan niya ang sarili; kailangan niyang pigilan at pakalmahin ang sarili. Kahit na gaano pa siya kagalit ngayon, alam na alam niyang hindi niya kakayanin ang mawala sa kaniya si Hensin.
Ang dami ko nang na-i-sakripisyo para sa pagmamahal ko sa kaniya. I can’t let anyone take her away from me. She’s mine; mine alone.
Kaya naman mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, at saka pilit na pinakalma ang sarili. Kailangan niyang kumalma; kailangan niyang maayos ‘to; hindi niya puwedeng hayaang masira ang relasyon nilang dalawa ni Hensin nang dahil lang dito.
“I’m so sorry, Zyjill… I’m sorry…” umiiyak na sambit ni Hensin, kaya naman nang medyo na-i-kalma niya na ang sarili, nag-angat na siya ng tingin dito, at saka ito tipid na nginitian.
“I told you, I don’t wanna know; and I actually don’t care who it was, cuz that child…” tukoy niya sa ipinagbubuntis nito. “Is now mine.” Masakit, pero seryoso siyang handa niyang akuin ang ipinagbubuntis nito, kahit pa anak nito ito sa best-friend kuno nito.
“Zyjill…”
Pinanatili niya ang tipid na ngiti sa labi niya, at saka niya ito marahang hinawakan sa mukha. Alam niyang nag-aalinlangan ito, dahil na-gi-guilty ito sa nagawa nito, pero hindi na ‘yon mahalaga sa kaniya. Handa siyang kalimutan ang lahat at paniwalain ang sarili na sa kaniya talaga ang bata, huwag lamang mawala sa kaniya ang babaeng mahal niya.
I don’t know what will happen to me if Hensin happens to leave me. I’ll might die.
“I love you so much, Hensin. You know how much I love you, right? I can do anything for you; I can do anything for our relationship. Just don’t leave me, okay? Don’t leave me. I love you so much.” At saka niya ito hinalikan sa noo’t mahigpit na niyakap.
Napangiti siya nang hindi na siya makarinig pa ng sagot dito. Hindi niya alam kung tumututol pa ba ito o sang-ayon na sa gusto niyang mangyari. Pero wala na siyang pakialam, dahil kahit na ano’ng mangyari, hindi niya hahayaang mawala ito sa kaniya.
I won’t let you snatch away my precious gem, Kristof; I won’t let you take away my life.
***
HINDI na alam ni Hensin kung ano pa ang magiging sagot kay Zyjill, kaya naman mas pinili niya na lamang itikom ang bibig niya at manahimik, hanggang sa tuluyan na siya nitong maihatid sa apartment nila ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romansa[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...