54. Goodbye and Bring Back the Old Times

148 4 0
                                    

CHAPTER 54: Goodbye and Bring Back the Old Times

YOU will always stay in my heart, Zyjill; I will never forget you. Until we meet again…

Unti-unting iminulat ni Hensin ang kaniyang mga mata, kasunod ng pagsisimulang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mukha.

Thank you, Zy. Hanggang sa huli, ikaw pa rin pala ang magliligatas sa buhay ko.

Ilang araw at gabi na rin ang lumipas, mula nang magising siya sa ospital, dahil sa ginawa niyang pagtatangkang pagkitil sa sarili niya. At magmula rin nang araw na ‘yon, gabi-gabi niya nang napananaginipan si Zyjill.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaliwang kamay niya, kung sa’n naroon ang engagement ring na binigay sa kaniya ni Zyjill. Tinitigan niya ito, kasabay ng pag-guhit ng isang malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi.

Maybe, it’s time to grant his last wish…

Marahan niyang naikuyom ang kaniyang kaliwang kamao, at saka niya pinunasan ang luhaang mukha, gamit ang kaniyang kanang palad.

Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga, at saka muling tumitig sa singsing na suot niya. “Nakukulitan ka na siguro sa ‘kin, Zy.” Muli siyang malungkot na ngumiti. “Gabi-gabi ka na lang kasing dumadalaw sa panaginip ko, pero hindi ko pa rin ginagawa ang huling hiling mo sa ‘kin.” Mahina siyang bumuga ng hangin, kasabay ng pagtulo nanaman ng ilang mga butil ng luha mula sa kaniyang mga mata.

“I’m sorry, Zy, sobrang hirap kasi.” Napahikbi siya. “Araw-araw, gabi-gabi, ayaw akong patahimikin ng konsensiya ko dahil sa nangyari sa ‘yo. Kasi dapat ako ang nasa kalagayan mo ngayon; dapat ako ang nakabaon sa lupa ngayon. Hindi dapat ikaw, kasi dapat ako ‘yon. Pero alam kong hindi ka rin pinatatahimik nitong nangyayari sa ‘kin. Siguro, kaya ‘lagi kang dumadalaw sa panaginip ko, kasi hindi mo magawang malagay sa tahimik, hanggat nagkakaganito pa rin ako.”

Muli niyang pinunasan ang mga luha sa mukha niya gamit ang kanang palad niya, at saka siya ngumiti, habang nakatitig pa rin sa singsing na binigay sa kaniya ni Zyjill. “Kaya, sige. Hahayaan na kitang magpahinga, Zy. Puwede mo na ‘kong iwan. Naniniwala ako sa sinabi mong kahit saan ka mapadpad, babantayan mo pa rin ako. Mahirap at masakit, pero kakayanin ko. Kaya huwag ka nang mag-alala pa sa ‘kin, dahil promise ko sa ‘yo, wala na ‘kong gagawin para ipahamak ang sarili ko; hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa mo para lang iligtas ako.”

Dahan-dahan niyang dinala sa labi niya ang kaliwang kamao, at saka niya hinalikan ang suot niyang singsing. “I’m sorry, Zyjill, and thank you, thank you for everything. I love you. Goodbye,” huling sambit niya, bago niya na ito dahan-dahang hinubad sa palasingsingan niya.

***

“I REALLY need to go back to work. May panibagong kaso nanaman ang in-assign sa ‘kin. How ‘bout you? Hindi ka ba kailangan sa asylum?”

Mula sa nilulutong umagahan, nilingon ni Kristof si Hanson na kalalabas lang ng kuwarto nito. Dahil twenty-four seven silang nagbabantay kay Hensin, napagkasunduan nilang dito muna siya mag-stay in the mean time. Kaya naman habang nandito siya’y siya na ang nagiging tagaluto rito.

“May pansamantalang pumalit sa ‘kin habang wala ako. Kaya puwede pa ‘kong magtagal sa leave ko. So, no worries. I’ll take care of Hensin while you’re away,” sagot niya, at saka na pinatay ang stove at sinimulan nang maghain sa mesa.

“Good. Thanks, Kristof,” rinig niyang sagot ni Hanson na tinulungan na siya sa paghahain sa hapag. Nginitian niya lamang ito bilang tugon.

“Ako na’ng maghahatid ng breakfast kay Hensin,” kapagkuwa’y pagboboluntaryo niya’t nilagyan ng pagkain ang plato na para kay Hensin. Hindi ito lumalabas ng kuwarto, kaya naman hinahatiran na lamang nila ito sa kuwarto ng makakain, kahit na parati itong walang ganang kumain.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon