33. I'm Sorry

140 4 0
                                    

CHAPTER 33: I’m Sorry

MARAHAN ang ginawang pagmulat ng mga mata Hensin. Bumungad sa paningin niya ang puting kisame ng kuwartong kinaroroonan. Nangunot ang noo niya nang mapansing wala siya sa kuwarto niya.

Pero agad din naman siyang napalagay at naalis ang pagkakakunot sa noo niya nang maalala ang mga nangyari kagabi. Narito nga pala siya sa bagong tinitirahan ni Zyjill at dito na natulog, dahil sa hiling na rin ng nobyo.

Napangiti siya nang maalala ring nagkabalikan na sila nito.

Hay nako, Hensin, wala kang kasing rupok!

Napailing na lamang siya sa sarili. Paniguradong sesermonan nanaman siya ng kuya niya, lalo na ni Kristof, kapag nalaman na ng mga ito na nagkabalikan na sila ngayon ni Zyjill.

She sighed when she remembered her promise to Kristof; nangako siyang hindi na siya magiging marupok kay Zyjill; nangako siyang mag-mo-move na talaga for good. ‘Tapos heto siya ngayon, nakahiga sa kama ng lalaking iniyakan niya. Paniguradong mababatukan siya ng kaibigan dahil sa katigasan ng ulo niya.

Pero ano ba’ng magagawa niya? Mahal niya eh.

Kung sana’ng gano’n lang kadaling mawala ang pagmamahal.

Pero masaya siya ngayon dahil ayos na talaga silang dalawa ni Zyjill. Sa mga paliwanag na ibinigay nito sa kaniya, gumaan na ang loob niya. Maaaring hindi niya pa kayang ibalik ng buo ang tiwala niya rito gaya ng dati, ang mahalaga naman ay alam niyang mahal pa rin siya nito. ‘Yon lang ay sapat na sa kaniya para balikan ito.

At isa pa, sobrang laki ng sinakripisyo nito para lang sa kaniya, hindi lang ang pangarap nito, maging din ang pamilya nito. Pinatunayan nito sa kaniya na kaya nga nitong talikuran ang lahat para lang sa kaniya.

That deeply warmed her heart. Hindi nga niya alam kung makakaya niya rin bang gawin ‘yon sa lalake if ever. Hindi ko alam kung makakaya ko rin ba’ng talikuran ang Kuya ko para sa kaniya. I also love Kuya. I promised him that he will always be the number one in my heart. Medyo guilty tuloy siya, feeling niya kasi mas angat ang pagmamahal ni Zyjill para sa kaniya, ke’sa sa pagmamahal niya para dito.

Shock! Nakakikilig isipin, pero parang unfair sa side ng boyfriend niya.

Pero never mind, ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa, hindi na mahalaga kung sino ang mas angat ang pagmamahal; pagmamahal na hindi dapat sinusukat. Parang gusto niya tuloy batukan ang sarili dahil sa pinag-iisip niya.

Mag-isa na lamang siya ngayon sa kama, kaya paniguradong nasa kusina na ngayon si Zyjill at nagluluto ng umagahan para sa kanilang dalawa; parati kasing gano’n kapag natutulog siya sa tirahan ng nobyo: nauuna itong magising sa kaniya, at ito parati ang tagaluto.

Masarap magluto si Zyjill, isa sa mga talagang nagustuhan niya rito. Favorite niya ang pagkain, basta luto nito. Shet! Ang harot ko!

Kumakamot sa ulo siyang bumangon mula sa pagkakahiga, at saka siya nagtanggal ng muta at bakas ng tumulong laway sa pisngi niya. Napangiti siya dahil naging masarap ang tulog niya.

Wala na siyang pakialam kahit pa nakita ni Zyjill kung gaano siya kapangit at kaingay matulog, sanay na kasi ito sa kaniya, hindi naman ito ang unang beses na natulog siya kasama ito.

Tuluyan na siyang tumayo at umalis sa kama. Napatingin siya sa suot niyang boxer at maluwag na t-shirt na pagmamay-ari ni Zyjill, wala siyang suot na underwear, dahil nilabhan din ni Zyjill kagabi ang mga ito kasama ang uniform niya, para masuot niya ngayong araw, dahilan para bumakas ang dalawang dunggot niya sa t-shirt.

Wala namang problema sa kaniya ‘yon, dahil wala naman na siyang maitatago pa sa nobyo niya; nakita na nito ang lahat sa kaniya.

And don’t judge her, siya dapat ang maglalaba ng mga damit niya, pero nagpumilit lamang si Zyjill at ayaw siyang pakilusin. Reyna niya raw kasi ako. Pft, kilig ako, my god! Haha! Kaya hinayaan niya na lamang at in-enjoy na lamang ang pagsisilbi nito sa kaniya.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon