LIKE FATHER LIKE SON

114 13 0
                                    

CLINT'S POV

Nakatitig si Dad ng sobrang lalim kay Ivoe.

Walang emosyon at blanko lang ang binigay nyang tingin pero punong-puno ng pagbabanta yon. Hanggang sa ngumisi si Dad.

Ang ganung ngiti ng ama ko...

Ay sobrang nakakatakot. Naaalala ko lamang ang araw na nakita kong may pinatay si Dad na lalake sa Red Admiral boot camp.

Hindi masarap sa pakiramdam kapag pinapakita ni Dad ang ngiti nyang yon. Para kasing, ang kalalagayan ni Ivoe ay kagaya ng lalakeng walang awang hinampas ng ama ko ng baseball bat hanggang sa mamatay ito.

"I appreciate your thoughtfulness and concern for my wife, pero dapat maunawaan mo din na hindi sa lahat ng oras ay pwedeng ma-spoil ang asawa ko." Mahinahong sabi ng ama ko kahit alam kong nagtitimpo lang sya.

Alam kong kaya pilit na nagpapakaba ng ama ko ay dahil malaki ang respeto nya sa akin. Kaya dapat talaga ay makausap ko na si Ivoe na tigilan ang ama ko dahil parehas naming hindi magugustuhan ang mangyayari pag nasagad to.


"I'm not spoiling her. Masama bang bigyan ko sya ng chicken---" sagot pa ni Ivoe pero nagsalita si Dad at pinutol ang sinasabi nito.

"Ang masama ay araw araw mo syang bibigyan ng chicken fast food. Ivoe, papatayin mo ang ina ng kaibigan mo dahil sa ginagawa mo." Dad said in a cold tone.

Nakakapanaas ng balahibo ang reakyon ng ama ko. Kung wala siguro ako dito ay baka nasunggaban na nya ng suntok si Ivoe.

Hindi na din naman nakapagsalita si Ivoe, marahil ay nase-sense na ng instinct nya ang peligro once na sumagot pa sya kay Dad.


"Ahh! Galit na din ako sayo kuya!" Irit ni Mom at nagalit ito sa mga pinagsasabi ni Dad. Yumuko si Dad at binuhat ang ina ko sa malalakas nyang braso.

Nagwala si Mom pero hindi sya pinakawalan ng ama ko.

Dad turn his back at us, "Patatahanin ko lang ang isang to. Bantayan nyo si Izaiah, Clint." Bilin sa akin ni Dad at humakbang na sya palayo buhat-buhat ang naiyak na ina ko.

Pinagmasdan lang namin silang dalawa ng mga kasamahan namin na maglakad palayo.

"Niligtas mo kami don bata." Ninong Adrian chuckled and I saw him elbowed Ivoe on his ribs.

Damn.

Totoo ang sinabi ni Ninong Adrian, dahil imbis na magalit si Dad sa mga nagpaiyak kay mom ay nabuhos yon lahat kay Ivoe.

"Ivoe mag usap nga tayo." Sabi ko sa kaibigan ko at naglakad ako palayo.

Sumunod sa akin si Ivoe.





TARA'S POV

Naglakad sina Clint at Ivoe palayo. Sumunod naman agad ako sa kanila pero nakaka dalawang hakbang palang ako palayo ay biglang may humawak sa braso ko.

Hindi ko nagawang sundan sina Clint at Ivoe. Lumingon ako sa likuran ko para makita kung sino ang taong humawak sa braso ko at pinigilan ako sa paglalakad ko.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now