AMARA'S POV
Nasa may sala kami ng bahay nina Ashley at Sir. Ethan. Napakaganda ng bahay nila at napaka laki, sa labas ay napaka lawak ng garden pero napaka daming bantay na malalakeng katawan na lalake.
Sobrang higpit ng sekyuridad dito, na ibig sabihin lamang ay makapangyarihan nga ang pamilyang to kaya kailangan nila palagi ng proteksyon. Pero kung sobrang higpit na nga ng sekyuridad ng pamilya nila, paanong napapadpad pa kung saan-saan si Ashley.
Pambihira ang isang yon.
Nag eenjoy pa akong igala ang tingin ko sa bawat sulok ng sala dahil napaka ganda ng lugar at mukhang mamahalin ang mga kagamitan dito pero, naiilang ako sa babaeng nakaupo sa lounge sofa na katapat ko.
Kanina pa kasi syang nakatitig sa akin.
Nakaupo lang ako sa lounge sofa at katabi ko si Nicole. Dito muna kasi kami pinatutuloy ni Sir. Ethan at Sir. Adrian hanggat inaayos pa nila ang pagkuha sa amin ng condo malapit sa Redonzo's telecom.
Ang mga titig ng babae na nasa harapan ko ay nakakapang lusaw. Bilog na bilog ang mata nito at tila ba pinag-aaralan nya ang itsura ko.
Pinagmasdan ko din sya, maganda ang itsura nya pero hindi ko alam kung kaedadan namin sya. Baka kasi mamaya ay scam din ang taglay nyang ganda.
Pero napaka ganda din ng isang to.
(Foot step)
Nawala ang pagkakatitigan namin ng babaeng nasa tapat ko dahil may narinig akong mga yabag ng paa mula sa hagdan.
Sabay sabay kaming lumingon doon at nakita ko si Sir. Adrian na naglalakad pababa ng hagdan. "Pinaayos ko na ang dalawang bakanteng kama sa itaas. Dito na kayo pagkalipas ng gabi pansamantala, tapos bukas pwede na kayong lumipat sa condo na kinuha namin para sa inyo." Sabi nito habang naglalakad pababa.
Nang makarating sya dito sa sala ay lumapit sya sa babaeng katapat namin ni Nicole.
Naupo sya sa lounge sofa at nakita ko pang inakbayan nya ang babae. Nanlake ang mga mata ko sa nasaksihan ko, nag-iisip na ako ku sino ang babaeng to sa buhay ni Sir. Adrian.
Kung asawa nya to o anak.
Hindi ko alam kung matanda o bata ang babaeng to. Ang hirap hulaan kung sino nga ba talaga sya.
"Mr. CEO, mga kaibigan ba sila ni Ashley?" Sabi nung babae sa kanya pero Mr. CEO ang tawag nya kay Sir. Adrian.
Mr. CEO?
Teka, hindi sya anak kung ganun. Pero imposible din namang asawa sya hindi ba? Kasi kung may asawa ako, honey o baby ang itatawag ko sa kanya hindi Mr. CEO.
Parang timang lang diba?
"Yeah. They are Ashley's friend. He is Mark Nicole and Amara." Sabi ni sir. Adrian kaya naman ngumiti ako sa babae.
Ganun din si Nicole.
"Nice to meet you po." Sabi ko sa kanya at ganun din si Nicole. Tapos ngumiti ito sa amin, ang ngiti nya ay napaka cute.
Naaalala ko sa kanya si Ashley.
"Hehe nice to meet you din, ako si Aphrodite Moore Redonzo."
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...