WHAT ARE YOU HIDING?

87 3 0
                                    

LETIZIA'S POV

Binitawan ko ang phone pagkatapos ng naging usapan namin ni Ninang Yuni. Nakaupo lang ako sa sahig at tulala sa kawalan.

Katabi ko ang walang malay na katawan ni Ace. Ang mga dugo nya ay nasa damit ko at katawan ko. Ni hindi ko sya magawang tingnan, pinangangatalan ako ng katawan sa takot na baka may mangyaring masama sa lalakeng to.

Tang ina kasi Letizia.

Anong nagawa mo? Bakit mo sinaktan si Ace?!

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng madiin. Ang luha ko ay patuloy sa pag-agos at pakiramdam ko mababaliw na ako. Sobrang gulo ng isipan ko, hindi ako makapag-isip ng tama.

Damn. Hindi ko sinasadyan Ace. Akala ko kasi may babae si Ace, akala ko niloloko na naman nya ako. But it turns out na si Ninang Yuni lang naman pala ang kausap nya.

Dammit.

Lumapit ako kay Ace. Ang mga braso ko ay pinulupot ko sa kanya at niyakap ko sya ng sobrang higpit. I lowered my head.

Hinaplos haplos ko ang mukha ni Ace. Ang mga luha ko ay nagpapatakan sa mukha nya. Sumasama sa dugong lumalabas din kay Ace.

"I'm sorry Ace. Hindi ko sinasadya." I said weakly, pero kahit kausapin ko si Ace ay hindi na sya gumigising. I hugged Ace' body tight in my arm.

I close my eyes...

And kissed his lips...

Ace I'm sorry, please fight for me.



YUNI'S POV

Sumugod kami ni Claude sa lugar kung saan itinago ni Ace si Letizia. Hindi ako tumigil sa pag-iyak, pinangangatalan ako ng katawan dahil sa takot para sa kalagayan ni Ace.

Naba-blanko ako, ang tanging tumatakbo lang sa isipan ko ay ang mailigtas si Ace sa binggit ng kamatayan na dulot ni Letizia.

Tang ina, anong pumasok sa isipan ng batang yon at nagawa nya yon kay Ace!?

Pinagpatuloy namin ni Claude ang pagtakbo papunta sa bahay. Nang sandaling makarating kami sa bahay ay pumasok agad kami ni Claude rito.

Ang mga binti ni Claude ay pandalas din sa pagbuka patungo kay Ace. Alam kong kagaya ko ay nag-aalala sya para sa bunso panganay naming anak.

Sa bawat hakbang ko sa lugar na to ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Tila ba binabalik ako sa nakaraan, kung saan kinulong din ako ni Claude sa lugar na to ng isang buwan.

Napakadaming memories naming dalawa dito ni Claude, pero ngayon ay mapapalitan na to ng bangungot. Dahil dito sa lugar na to, sinaksak ni Letizia ang kaisa-isa kong anak na lalake.

(Door slammed open)

Nakarating kami parehas ni Claude sa kwarto. Walang inaksayang oras ang asawa ko at agad nyang binuksan yon.

At nang sandaling mabuksan yon ni Claude ay hindi ko na napigilang humagulhol ng malakas dahil tumambad sa akin ang anak kong nakahandusay sa sahig at walang malay.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now