CAN'T SLEEP

85 5 0
                                    

ETHAN'S POV

Nasa sala kami nina Adrian, Izaiah, Iya at Clint. Nakaupo kami sa lounge sofa at pinapaliwanag sa amin ni Clint kung paano sila nauwi sa pagiging mag-asawa.

Sinabi nya sa amin na pumunta sila ni Iya sa family lawyer namin at doon nang pa civil marriage. Tulala lang ako, tahimik at hindi alam kung ano ang dapat i-response ko. I mean, shit! Kasal na si Clint,  paano ko to sasabihin kay Ashley, Yeji at Noah?

"Bakit nagalit si Dillon?" Adrian asked Clint.

Tumingin si Clint sa sahig at sandaling natahimik. Tila ba naghahanap sya ng lakas ng loob na sagutin ang Ninong nya. Hanggang sa binuka ni Clint ang mga labi nya, "Inamin po kasi sa akin ni Dillon dati na...may pagtingin sya kay Iya."

O. O

Holy shit.

Totoo ba yon? Kung ganun ay si Iya nga ang pinagtatalunan ng dalawa kong anak. Bakit sa dinami-dami ng babae ay dung pa sa anak ni Noah nagka-interest ang dalawang to?

Pambihira.

"Dad. Hayaan nyo muna na ako ang kumausap kay Dillon. Susubukan ko munang ayusin to." Clint told me.

Tumingin ako kay Clint dahil sa sinabi nya. Pinakitaan nya ako ng tipid na ngiti, tila ba nakikipag komunikasyon sa akin na pagkatiwalaan ko sya. Pero bilang isang ama, kilala ko si Dillon. Alam ko kung paano magalit ang isang yon, hindi magiging madali kay Clint at lahat. Kailangan kong pumagitan sa kanila pero sa ngayon ay ayaw ng panganay kong anak na makealam ako sa kanila.

"Kung ganun ay ayusin nyo to. Ihatid mo muna si Iya sa bahay nila at pagkatapos, kakausapin natin sina Yeji at Noah para ipaalam ang civil marriage nyo." I told him, kahit na sa loob loob ko ay hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa mag-asawang yon na kasal na si Iya kay Clint.

Mapanakit pa naman si Yeji dammit.

Ngumiti sa akin si Clint at tumango, "Thank you dad." He said.

Hmm...

Hindi pa din ako makapaniwala na may asawa na ang panganay ko. Napakabilis ni Clint kumilos.

Tumingala ako at tumingin sa taas ng hagdan, iniisip ko kung kamusta kaya si Dillon sa kwarto nya. Nag-aalala ako sa kanya, pero sadyang madaya ang pag-ibig. Minsan panalo, pero minsan panalo tayo. Alam kong makakayanan lagpasan to ni Dillon, malakas ang loob nya.

ASHLEY'S POV

(Creaking door sound)

Narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto namin ni kuya. Lumingon ako doon at nakita ko ang isang matangkad na lalake na nakatayo sa may pintuan, meron din syang crutch.  Ang mga itim at puti nyang mata ay nakatitig sa akin.

Nag pout ako at inirapan sya.

Nakaupo lang ako sa kama at nagsusuklay ng buhok ko. Kakatapos ko lang kasi mag night bath.

Naglakad si kuya ng dala-dala ang saklay nya papalapit sa akin. Akmang aalis ako sa kama para iwasan sya dahil galit ako sa kanya pero, "Akala ko ba aalagaan mo ko kasi may sakit ako?" narinig kong sabi ni kuya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now