10 years later...
CLINT'S POV
Bumaba ako ng hagdan ng bahay at naglakad papunta sa kitchen area.
Habang naglalakad palapit doon ay naririnig ko na ang maingay na asaran ng kapatid kong sampung taong gulang na si Iziah at ni mom sa paligid.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating na ako sa sala.
Kagaya ng inaasahan ko ay nandito silang lahat.
Ginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko si Mom at Dad na nakaupo sa dinning chair. Kasama nila sa table sina Iziah (10 years old), si Kye (11), Felix (13), Lincoln (15), at Dillon (19).
Nandun din sa table sina Ninang Dite at Ninong Adrian.
Naglakad ako palapit sa kanila.
Nang makalapit ako ay naupo ako sa dinning chair at kumuha ng tasa. Kinuha ko din ang kettle ng kape na nasa table at nilagyan ang tasa ko.
"Kuya oh!" -Mommy
"Daddy oh!" -Iziah
Nang marinig ko ang boses ni mom at Iziah ay tumingin ako sa direksyon nila. Nasa tapat ko sila at parehas nilang napapagitnaan si Dad.
May hawak si mom na tinapay at dinidikit nya yon sa bibig ni Dad, ganun din si Iziah. May hawak syang tinapay at dinidikit din nya yon sa labi ni dad.
Nagsisimula na naman ang dalawang babae sa pamilya namin.
Si dad ay busy sa pagbabasa ng dyaryo sa harapan nya at binubuka nalang nya ang bibig nya at kinakain ang mga sinusubo ni Izaiah at mom.
"Unang kinakain ni Daddy ang tinapay na binibigay ko." Izaiah said and she stick her tounge out. Inaasar na naman nya ang ina namin.
Kagay ng dati ay nag pout si mom.
Pffft.
Talagang totoo ang sinabi ng ama ko sa akin sampung taon na ang nakakalipas.
Hindi tumatanda ang isip ni mom at kahit ang pisikal nito ay hindi din nag babago. 40 years old na kasi ang ina ko pero para lang syang dalaga na nasa harap ko.
Minsan napagkakamalan pa yan na girlfriend ko kapag nagpapasama sya sa aking mag shopping.
Pinagmasdan ko lang si mom na kumuha muli ng tinapay at idinikit sa labi ni dad. Kumuha din si Izaiah ng tinapay at dinikit din sa labi ni dad.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...