A BEAST BEHIND THE PRETTY FACE

80 3 0
                                    

CELINE'S POV

Tinitigan ko ang grupo ng mga babaeng nakatayo sa harapan namin. Mayayabang ang titig nila at ganun din ang binibigay na ngiti kaya sa isang idlap ay hindi ko mapigilang mainis.

"Teka? Sino ka naman?" Tanong sa akin ng babaeng may blonde na buhok.

"I'm Celine. Ethan's friend." Diretsyang sagot ko dito at nang sandaling sabihin ko yon ay nanlake ang mga mata nila. Tinitigan nila ako sa paraang tila kinikilatis nila kung nagsasabi ako ng totoo.

Napairap ako sa ginagawa nila.

"What's wrong with these monkeys?" I asked Tara. Pero hindi sya sumagot at pinanlakihan lang ako ng mata. Sa reaksyon nya pakiramdam ko ay kinatatakutan nya ang grupo na to.

Pero bakit?

"What did you just say?" Sabi sa akin ng isang babaeng nakasuot ng maroon na off-shoulder gown at pinagsalubungan ako ng kilay.

Sinalo ko ang masama nyang tingin. Wala naman akong makitang dahilan para katakutan ni Tara ang mga spoiled brat na to.

Sigh.

Bakit ko pa nga pala pinagdudahan si Tara. Mahina at duwag na babae si Tara, marahil yun ang dahilan kung bakit hinahayaan syang kayankayanin sya ng mga taong to.

"I'm sorry, na offend ba kita?" Tanong ko rito.

"Hindi kami unggoy ha." Sabi sa akin ng babaeng yon para depensahan ang sarili nila. Marahil ay nasaktan sila sa unang insulto na ginawa ko.

"Crying babies." I said and smirked at them.

Nang sandaling sabihin ko yon ay nag cross arms ang mga babaeng yon at mayabang akong nginisian. May taglay na ugali ang grupong to at pakiramdam ko ay mapapasabak ako sa gulo.

"Maliban sa kapal ng make-up na meron ka sa mukha mo, where did you get the audacity to insult us?" Mayabang na sabi sa akin ng nakablonde na buhok.

I smirked at her, "Oh dear, that's not an insult. I only tell what you are."

Humagikhik ang babaeng yon pero nakikita ko na napapahiya sya at naasar sa akin. Pero sinubukan nya pa din akong patulan, "Then how do you see yourself? A queen?" Hagikhik nya at pagkatapos ay muling ngumisi ng mayabang at, "Diba pag pangit ka dapat nice ka?"

"Oh..." I said and rolled my eyes. Nanatiling nakacross ang mga kamay ko sa chest ko at muling nagsalita, "Sabi nila, ang taong pangit wagas makapanglait. Now I know why."

I usually hold my tongue. Most of the time. But sometimes, when the situation calls for it, I can unleash as well. I don’t usually gravitate towards mataray people, but they started me.

Wala kong choice kundi patulan sila.

"Sapakin kaya kita?" Galit na sigaw sa akin ng babaeng nakamaroon at inangat ang braso na parang susuntukin nga ako.

Nagulat ako sa ginawa nya kaya napaatras ako, "Oh wait. Mananakit ka?" Sabi ko rito kaya natigilan sya.

Ngumiti ako sa kanya at umiling, "Hindi na ba kinaya ng utak mo ang mga sinasabi ko kaya gagamitin mo na ang muscles mo? Pity you." Hagikhik ko rito.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now