RETURN OF THE MADDENING DOLL

97 4 0
                                    

ASHLEY'S POV

Niyakap ko ng mahigpit ang mascot bear na nasa harapan ko. Nakalambitin ako sa leeg nito dahil hindi ko napigilang manggigil sa kanya nang sandaling makita ko sya.

Napakacute nya.

"Hi Mr. Teddy bear, may pangalan ka ba---" hagikhik ko sa kanya pero natigilan ako sa pagsasalita nang...

"Ashley!"

O. O

Narinig ko ang malakas na boses ni kuya mula sa likuran ko. Akmang haharap sana ako doon pero naunahan ako nito.

"Ahhh!" Napairit pa ako ng malakas nang maramdaman ko ang malalakas na kamay na kumapit sa magkabila kong bewang at pwersa akong hinigit paalis sa bear.

Inikot ako nito paharap sa kanya at nakita kong si kuya ang gumawa ng bagay na yon. Syempre pinagsalubungan ko sya ng kilay. Magagalit sana ako sa kanya pero naudlot yon nang yakapin nya ako.

"Damn. Ashley, hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya!" Kuya said.

O. O

Natigilan ako at halos masemento ako sa kinatatayuan ko nang marealize kong naiyak ang kuya ko. Niyakap nya ako ng sobrang higpit at halos mapiga ako sa braso nya.

"Kuya, bakit ka naiyak?" Mahinang sabi ko sa kanya.

Niluwagan ni Kuya ang pagkakayakap nya sa akin at hinarap ako. Sinalo ko ang binigay ng mga itim at puti nyang mata.

Nakangiti si Kuya pero nagbabagsakan ang mga luha nya. Hindi ko maunawaan kung bakit nya ginagawa ang reaksyon na yon.

"Kuya bakit ka naiyak?" Pag-uulit ko at dinala ko ang isa kong palad sa pisnge nya. I wiped her tears.

"Damn. Ashley, nakakakita ka na talaga." Tuwang-tuwa na sabi nito sa akin.

At ang mga salitang binitawan nya ay syang nakapagpatigil sa akin. Sandali akong nablanko, sinusubukan i-interpret ang ibig sabihin noon.

Damn. Ashley, nakakakita ka na talaga.

Paulit-ulit na nag e-echo sa isipan ko ang sinabi ni kuya. Kasabay din nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hanggang sa nanlake ang mga mata ko. Ang luha ay hindi nagpapigil sa pagpapatakan.

"Nakakakita na ko kuya." Mahinang bigkas ko. Nalulunod sa sariling luha pero sa sandaling ito ay walang kapantay ang saya na nararamdaman ko.

ETHAN'S POV

"Kuya! Totoong nakakakita na nga ako! Nakalimutan kong nabulag ako kasi na cute-tan ako sa bear mascot!" Tuwang-tuwa na sabi ni Ashley at lumundag papunta sa akin.

Niyakap nya ako sa leeg ko at lumambitin. Niyakap ko din naman sya, mahigpit dahil ito lang ang gusto kong gawin pagkatapos kong malaman na gumaling na sya!

Bumalik na ang paningin ng asawa ko!

"Ashley, good job. You are so brave." Mahinang sabi ko sa kanya at sinubsob ang mukha ko sa tapat ng ulo nya. Hindi na napawi ang ngiti sa labi ko.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now