ASHLEY'S POV
Pumunta ako sa Television Network Company ni Adrian. Alam kong magagalit sa akin si kuya kapag nalaman nya ang bagay na to, pero kasi... Gusto kong makasigurado sa kalagayan nya.
Hindi ko naman sya gagambalain, sisilipin ko lang.
Nang makarating ako sa kompanya ay naglakad ako papasok nito. Pinadaan naman ako ng mga security guard.
Naglakad ako sa hall. Ang ulo ko ay lilingon-lingon dahil hinahanap ko dito si Nicole. Napakadaming tao ang naglalakad sa hall ng kompanya ni Adrian. Lahat sila ay mga kilalang tao, magaganda, gwapo at mayayaman.
Nagmumukha na naman akong slapsoil.
Binilisan ko ang paglalakad ko at nag-focus nalang ako sa motibo ko. Nasabi sa akin ni Kuya na assistant si Nicole ng President ng kompanya na to. Kaya naman dumiretso ako sa may elevator upang puntahan ang palapag ng Presidente.
Nang makarating ako sa elevator ay pumasok ako doon. Naghintay ng ilang sandali at sa muling pagbubukas ng pintuan ng elevator ay lumabas ako dito.
Kagaya ng main building ng Telecommunication company ni Adrian ay merong palapag na ang room lang ay sa office ng president at office ng CEO.
Kaya malalaman mo agad kung saan naka-locate ang dalawang office na yon. Naglakad ako dito sa hallway. Malawak to at tahimik lang.
Habang naglalakad ay...
"So you are Ares and Sir. Adrian's friend. I should be nice to you, right?"
Nakarinig ako ng boses ng isang babae dito. Iginala ko ang tingin ko at mula dito sa hallway na kinatatayuan ko ay may nahagip akong dalawang tao na naglalakad.
Pasalubong sa akin.
Isang babae at isang lalake. Nakuha ng lalake ang buo kong atensyon. Matangkad sya at pamilyar ang itsura. Namukhaan ko agad ito.
And he is Nicole.
Sa takot na baka makita nya ako ay nagmadali akong tumakbo papunta sa isang malaking poste. I hide there.
Tahimik lang akong nakinig sa mga yabag ng paa nilang palapit sa akin at sa usapan nila.
"Hindi naman po Miss Venice. Kagaya lang din po ako ng ibang mga empleyado. Hindi po espesyal." Nicole's voice.
Narinig kong humagikhik ang Presidente ng kompanya na to at, "You don't need to treat me like an old lady. Wag kang gumamit sakin ng po. 5 years lang ang gap mo sa akin."
Hmm...
At mukha namang mabuti ang trato sa kanya ng bago nyang amo. Habang nagtatago dito sa poste ay hindi ko mapigilang mapangiti.
NICOLE'S POV
"By the way Nicole, do you have girlfriend?"
O. O
Nakuha ni Miss Venice ang buong atensyon ko dahil sa naging tanong nya. Naglalakad kami dito sa hallway papunta sa may elevator.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...