ASTRID'S POV
"Kuya Dillon! Hang in there please!" Malakas na iyak ko habang humahabol sa hospital bed ni Kuya Dillon. Buhat-buhat ko si Leona sa braso ko. Nasa hospital kami ngayon dahil sinugod silang dalawa dito ni Ninang Ashley pagtakapos nilang magtamo ng bala ng baril.
Tinutulak ng mga nurse ang hospital bed ni Kuya Dillon papasok sa Operating Room. Ganun din ang hospital bed ni Ninang Ashley. Parehas silang walang malay ni Kuya Dillon.
Sa bawat paglipas ng oras ay mas tumitindi ang kaba na nararamdaman ko. Nananalangin ako na sana ay makaligtas si Kuya Dillon at ganun din si Ninang Ashley.
"Mom, hanggang dito nalang po kayo."
Hinarang ako ng isang nurse nang makarating kami sa tapat ng operating room. Kahit sina Felix at Kye ay hinarang.
"Please do everything to save my mom and my Kuya!" Kye begged. Ang mga luha namin ay nagpapatakan. Ang takot ay naghahari sa buong pagkatao na namin, nakakapanghina at nakakapanglambot ng mga tuhod.
Gusto kong matumba.
"Gagawin po namin lahat ng makakaya namin." The nurse replied and she went inside the operating room.
(Creaking door sound)
Sa pagsasara nya ng pintuan ay syang pag-iyak ko ng mas malakas. Niyakap ko ng mahigpit si Leona at napaupo sa sahig.
"Tatagan mo ang loob mo Astrid." Narinig kong sabi ni Felix at lumuhod silang dalawa ni Kye sa harapan ko. Naramdaman ko ang mga palad nila na tinapik-tapik ako sa likod.
Sinusubukan nilang palakasin ang loob ko pero...
Masyadong masakit sa akin na makitang nagkakaganito si Kuya Dillon. Nasa loob ng kwartong yon at nag-aagaw buhay.
Sobrang takot na takot ako kaya hindi mapawi ang mga luha sa mata ko.
EUNICE'S POV
"Lady Eunice! Hindi po natin kakayanin ang pwersa ni Poseidon!" Sabi ng isa sa mga tauhan ko sa akin.
Nakatago ako sa likod ng isang poste at nakikipagpalitan ng putok ng baril sa tauhan ni Poseidon. Nakapalibot din sa akin ang mga tauhan namin upang protektahan ako.
Kagaya ng sinabi nila ay malakas ang pwersa ni Poseidon at madami sila. Hindi namin kakayanin kung ipagpapatuloy namin ang laban.
Lalo pa at hati ang pwersa namin...
Ang kalahati naming tauhan ay kasama si Sid at Tobi. Ang kalahati ay nandito sa mansyon namin upang makipaglaban sa organisasyon ni Poseidon.
Dammit.
Malakas ang tunog ng mga pagsabog at putok ng baril sa paligid. Na syang dahilan upang hindi ako makapag-isip ng tama sa mga oras na to. Nakakablanko at nakakapanakit ng ulo.
"Lady Eunice." Pag-uulit sa akin ng tauhan ko.
Ang puso ko ay kumakabog ng malakas at pinangangatalan ako ng katawan. Nasa kalahating hukay ng lupa ang buhay ko, umatras man ako sa laban na to o hindi.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
عاطفية"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...