WOMEN ARE SO DAMN DIFFICULT

94 11 0
                                    

ADRIAN'S POV

Nasa living room area kami ng private plane na to. Kasama ko dito si Ethan at ang dalagang sa isang idlap ay kinahumalingan ng anak ko.

Pambihira si Ares, hindi ko akalain na aakto sya ng ganito. Mabuti nalang at napakausapan ko syang ako ang kakausap kay Amara. Baka kasi kung sya pa, matatakot lang nya ang dalaga.

Ngayon ay nasa kwarto si Ares kasama si Clint. Sinabi kong doon muna sya habang kinakausap si Amara. Napaka bata pa ni Ares, ito ang unang beses na nahulog sya sa isang babae, ni hindi ko alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman nya.

Pero kanina habang tinititigan nya ako at sinasabi nyang papakasalan nya si Amara, alam kong desidido talaga sya. Alam ko din na once na pigilan ko sya o hadlangan ko sya sa gusto nya magkakagulo.

Para syang si Dite.

Ang bilis nyang mahulog sa isang tao. Mabuti na nga lang at ako ang unang nakarelasyon ni Dite, dahil sigurado akong kapag si Nicholai yon ay baka alanganin ang pagmamahalan namin.






"Amara, ano bang nangyari at umakto ng ganun si Ares?" Simula ko.

Magkasalubong ang kilay ni Amara at nakatitig lang sya sa sahig. Pero ang mukha nito ay pulang-pula sya, "Mawalang galang na pero baliw yata ang anak nyo Sir. Adrian."

Sigh.

Hindi ko sya masisise kung bakit nya sinabi yon. Talaga naman parang baliw ang inakto ni Ares. Parang manyakis.

Hindi ko alam kung kanino nya namana yon, marahil ay sa Ninong Ethan nya.




"Pasensya kana Amara. Ito ang unang beses na nagkagusto ang anak ko sa isang babae. Hindi malapit si Ares sa babae kaya siguro na overwhelmed sya sa naramdaman nya." Paliwanag ko dito.

Bumuntong hininga si Amara at tinagpo ang tingin ko, "Sir. Ethan, Sir. Adrian, pasensya na kayo pero hindi ko kayang pakasalan si Ares."

Hmmm...

Medyo nakakagulat din na nasasabi ni Amara ang bagay na to. Karamihan kasi sa babae ay naghahabol sa anak ko. Unang una sa lahat dahil sa magandang lahi ng pamilya namin, pangalawa dahil sa pera at kapangyarihan kaya nakakagulat na tinanggihan ni Amara ang alok ni Ares.

I mean oo nga at napaka bata pa nila, pero kasi kung ibang babae ang inalok ni Ares ay papayag agad ang babaeng yon.

Pero si Amara ay hindi.

Aware din ako na kailangan ni Amara ng pera, na hindi stable ang buhay nya at si Ares ang susi sa maganda nyang buhay pero inayawan nya yon.



"Amara, alam ko namang mga bata pa kayo. Pero ayoko sanang masaktan si Ares, kaisa isa ko syang anak at handa kaming ibigay sa kanya ng ina nya ang lahat. Kaya ngayon ay nandito ako, kinakausap ka kasi ayokong i-reject mo ang anak ko." Pandidiretsya ko sa kanya.

Bilang isang business man, isa akong busy na tao at ayoko sa lahat ng paligoy ligoy kaya dineretsya ko na sya agad.

Nanlake ang mata ni Amara, marahil ay nagulat ko sya. Si Ethan ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ko at nakikiramdam sa mga nangyayari.


BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now