BEG FOR LOVE AND ATTENTION

93 7 0
                                    

IVOE'S POV

Tinitigan ko si Ashley. Sa bawat oras ay mas humihigpit ang pagkakahawak ko sa braso nya dahil masyado akong nanggigigil sa taglay na ka-sexy-han nya.

Nakasuot sya ng red two piece, pinapakita nito ang napakagandang hubog ng katawan nya. Paulit-ulit ko din nahuhili ang sarili kong sumusulyap sa cleavage nya.

Damn.

Sobrang ganda nya!

"Ivoe anong ginagawa mo dito?" Ashley asked me and hearing her voice, made me back to reality. Nawala ako sa pagkakatulala.

Muli akong tumitig ng diretsyo sa mata ni Ashley.

"Sumama ka sakin Ash." I told her. Hinigit ko ang braso nya at nag simula na akong maglakad. Pero nakakadalawang hakbang palang ako ay hinigit ni Ashley ang braso nya paalis sa akin, dahilan lamang para matigilan ako.

I looked back at her.

"Ivoe saan mo ba ako dadalhin, at tsaka bakit nandito ka sa Mexico?" She asked. Magkasalubong ang kilay nito at alam kong litong-lito sya kung paano ako nakarating dito.

"Ash, sumama ka muna sakin." Sabi ko dito at hinawakan muli ang braso nya dahil wala ng panahon. Nangangamba akong makita kami ni Ethan.

Muli akong naglakad kaladkad-kaladkad si Ashley, sumama naman ito sa akin at naging masunudin. Alam kong parehas lamang kami ng iniisip. Ayaw din nyang mahuli kami ni Ethan kaya sa ayaw at sa gusto nya ay sasama sya sa akin.

"Ivoe saan mo ba ako dadalhin?" Narinig kong tanong sa akin ni Ashley habang naglalakad na kami palayo sa lugar na to.

"You will know, later." I said as my lips widened into a smirk.




ASHLEY'S POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Ivoe pero wala akong nagawa kundi ang sundan lang sya. Ayoko kasing makita kami ni kuya na magkasama.

Alam ko kasing hindi ako tatantanan ni Ivoe once na magpumiglas pa ako.

Sigh.

Pambihira ang batang to. Ni hindi ko alam kung paano sya napadpad dito.

Pinagpatuloy lang namin ni Ivoe ang paglalakad. Nakalayo na kami sa yacht at sa resort, pero si Ivoe ay patuloy pa din akong hinahatak palayo.

Hindi ko na din naman napigilan pang mag tanong kasi palayo na kami ng palayo sa mga kasamahan ko. Ayoko namang isipin nila na nawawala ako at mapag-alala ko pa sila.

"Ivoe saan ba tayo pupunta?" I asked him.

Hindi sumagot si Ivoe at pinagpatuloy lang ang paghatak sa akin. Nag pout na ako kasi hindi na ako natutuwa sa kanya.

"Ivoe babalik na ako sa resort---" tumaas ang tono ng boses ko sa kanya pero nahinto ako sa pagsasalita dahil tinigil ni Ivoe ang paglalakad nya. Naumpog pa ako sa malapad na likod nito dahil biglaan masyado ang paghinto nya.

Hinawakan ko ang noo ko at hinaplos haplos yon.

Ivoe turned around and face me. Tinitigan namin ang isa't isa hanggang sa nakita kong ngumiti sa akin si Ivoe. Ang mga mata nya ay tila ba isang dyamanteng kuminang.

Napaka aliwalas ng mukha ni Ivoe at hindi na nakakapagtakang ang daming humahanga sa kanya. May itsura si Ivoe at isa pa ay napaka-talented nyang bata.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now