TIME? HEAL WOUNDS BUT SOMETIMES DESTRUCTIVE

93 5 0
                                    

ASTRID'S POV

(Creaking door sound)

Nakaupo lang ako sa kama ko nang marinig kong magbukas ang pintuan ng kwarto ko. Minabuti kong lumingon doon.

Found Kuya Dillon there. Buhat-buhat nya ang anak naming dalawa sa braso nya.

Muling namula ang mukha ko habang nakatitig sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na official couple na kami.

Pinagmasdan ko si Kuya Dillon na maglakad papunta sa crib at nang sandaling makarating sya doon ay nakita kong binaba nya si Leona rito.

Then face me once again.

Ang mga mata nito ay tila pinag-aaralan ang pisikal kong anyo. Napakalalim ng binibigay nyang tingin. Nakakapilas ng isipan at kaluluwa.

Until Kuya Dillon parted his lips, "Maligo ka Astrid." He told me.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya kaya nanlake ang mga mata ko, "Maligo?" I asked him.

"Yeah."

"Pero nakaligo na ako kanina---"

"Not enough. Naamoy ko pa din ang amoy ng Ian na yon sa katawan mo." Sabi ni Kuya Dillon at sa ikalawang pagkakataon ay nagulat na naman nya ako.

Anong ibig sabihin nya na, naamoy nya si Kuya Ian sa katawan ko? Anong klaseng nilalang ba si kuya Dillon? Para syang mabangis na hayop na may malakas na pang-amoy.

Hmmm...

"Sige kuya Dillon." Sagot ko sa kanya at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.

Weird man sa akin ang sinabi nya ay minabuti kong sundin nalang sya. Nakakatakot ang isang to at pakiramdam ko maling kilos ko lang ay pupugutan din nya ako ng ulo.



ADRIAN'S POV

"Diba kuya, sinabi ko naman sayo na bantayan mo si Ashley kanina!" Bulyaw sa akin ni Ethan.

Ngayon ay nandito sya sa kwarto namin ni Dite at pinag-iinitan na naman. Tungkol kasi to sa nangyari kay Ashley.

Wala naman akong kaalam-alam doon, dahil nasa meeting kami ni Dite. Pambihira.

Sino ba naman kasi ang mapang-ahas na gumawa noon kay Ash? Ako tuloy ang kinagagalitan nitong si Ethan!

"Ipapa-review ko ang CCTV bukas ng kompanya, Ethan. Aalamin ko kung sino ang gumawa noon kay Ash." Paliwanag ko sa kanya.

"Siguraduhin mo kuya!" Galit na sambit nito at tinalikuran ako. Padabog itong humakbang palabas ng kwarto ko at ramdaman na ramdam mo talaga na galit na galit ang isang yon.

Sigh.

Poor Ethan.



ASTRID'S POV

Nakatapat ako sa shower ng banyo ko.

Pumapatak sa hubad kong katawan ang malamig na tubig ng shower. Bahagyang mina-massage ang katawan ko.

I feel relaxed...

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now