LETIZIA'S POV
"Letizia, are you ready?"
Tumingin ako kay Mommy na nasa pintuan ng kwarto ko. Ako naman ay nanatiling nakaupo lang dito sa kama. Kakagising ko lang kasi pagkatapos ng mahabang mag damag sa akin.
Halos di ako patulugin ng pag-iisip ko, pero dahil sa tindi ng pag-iyak ko ay nakatulog din ako.
"Susunod nalang po ako sa baba." Sagot ko kay Mommy. Pinakitaan nya ako ng tipid na ngiti, pero ang mga mata nya ay nagsasabi lamang na nag-aalala sya sa akin ng sobra.
Hmm...
Ngayon ay naiinis ako sa sarili ko dahil napag-alala ko sila masyado ni Daddy. Bakit ba naman kasi, pinili ko pang mahalin si Ace kung noong una palang alam kong sasaktan lang nya ko diba?
Sigh.
Pasaway ka din kasi Letizia. Nag paloko ka at nag pauto kaya ngayon ay nasasaktan ka. Nadamay pa sa katigasan ng ulo mo sina Mommy at Daddy.
Mahirap man sa akin pero pinilit kong ngumiti upang ipakita sa ina ko na hindi nya kailangan mag-alala. Hindi naman talaga nya kailangan mag-alala, kasing tibay nya ang loob ko.
Ngayon lang ako iiyak, pero pag dating ng araw ay babangon ulit ako at magiging masaya.
"Hihintayin ka namin sa baba." Mommy said and she slowly closed my door.
Hihintayin sa baba?
Kaya ko na nga bang harapin ang mga taong nasa baba pagkatapos ng nangyari kahapon?
ACE'S POV
Nasa sala ako ng mansyon nina Letizia. Kasama ko si Mom at Dad dito, magkakatabi kaming nakaupo sa lounge sofa.
Nakaupo naman sa tapat ng lounge sofa namin si Ninong Cane at Ninang Valorine. Tahimik lang dito sa sala habang hinihintay namin si Letizia.
Sa totoo lang ay kanina pang kumakabog ng malakas ang puso ko. Punong-puno ako ng kaba at hindi ko alam kung paano ako haharap kay Letizia pagkatapos ng mga nakita nya.
Alam kong nasaktan ko sya ng sobra at nasira ko ang tiwala nya. Tang ina kasi, mahal na mahal ko si Letizia at hindi ko kayang mawala sya sa akin. Ngayon lang ako nagkaganito sa babae. Alam nyo bang babae ang humahabol sa akin?
Sigh.
Paano mo nagagawa sa akin to Letizia?
(Foot steps)
O. O
Sabay sabay kaming lumingon sa may hagdan dahil narinig namin ang mahihinang yabag doon. Kasabay na din noon ang mas pagtindi pa ng pagkabog ng puso ko.
Nagwala to ng sobra sa loob ng dibdib ko dahil sa kaba, takot at pangungulila sa babaeng naglalakad sa hagdan.
"Letizia!" Malakas na sigaw ko nang sandaling makababa na sya ng hagdan. Tumayo ako sa lounge sofa at akmang tatakbo sana palapit sa girlfriend ko.
Pero bigla ding tumayo si Ninong Cane at naglakad palapit sa akin. Tumayo sya sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat ko, "Maupo ka Ace." He said.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...