MY STRENGTH

75 3 0
                                    

ETHAN'S POV

"Ashley!" sigaw ko at halos maputol pa ang litig ko dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko. Ang pag-alala ay bumalot sa akin.

Takot na takot ako na baka may mangyaring masama sa asawa ko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.

Binuka ko ang mga binti ko at pandalas na tumakbo. Patungo ako ngayon sa hagdan ng bahay namin upang sundan si Ashley na tumakbo paakyat doon.

Napakatigas ng ulo nya!

Hindi man lang ba nya naisip na baka mapahamak sya sa ginagawa nya. Wala syang paningin, nakalimutan nya ba yon? Kaya anong pumasok sa isipan nya at tumakbo sya paakyat ng hagdan ng walang umaalalay sa kanya?

"Ashley---" muling sigaw ko at makakaakyat na sana ako ng hagdan nang...

(Creaking door sound)

Narinig kong bumukas ang pintuan sa sala. Dahilan upang matigilan ako sa paglalakad. Lumingon ako sa may main door para makita ko kung sino ang taong magbubukas noon.

And I stopped.

Nakuha ng taong nasa pintuan ang buong atensyon ko. Ang mga taong yon ay walang iba kundi sina Fred at Bianca.

Pinagmasdan ko sila na nakatayo doon. May tulak-tulak na baby carriage si Fred. Nandoon sa carriage sina Axel at Annalise.

[Axel Wilsmith - Fred and Bianca's son]
[Annalise Wilsmith -Fred and Celine's daughter]

Hmmm...

Habang pinagmamasdan ko ang mga anak ni Fred ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ilang buwan na din ang lumipas simula noong nangyaring aksidente sa hospital.















Flashback << >>

(Gunshot)

Napapikit ako ng madiin nang kalibitin ni Celine ang baril na hawak-hawak nya.

Nakatayo lang ako sa hallway ng hospital buhat-buhat si Ashley. Ang usok ay nakapalibot sa amin kasama ng malakas na apoy.

Nang akala ko ay katapusan ko na...

"Celine!" -Fred

Nagkamali ako.

Dahil hanggang ngayon ay humihinga pa ako. Buhay na buhay at walang kagalos-galos.

Pero paanong nangyari ang bagay na yon? Nakita kong kinalabit na ni Celine ang gantilyo ng baril. Dapat kanina pa akong nakalugmok sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo?

Pero hindi...

Sa pagtataka ay minulat ko ang mata ko.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now