SPROUT OF RIVALRY BETWEEN HADES' SON

79 4 0
                                    

CLINT'S POV

"Iya ano ba naman yang ugali mong yan!" Gigil na sabi ni Dillon at tinakpan ang bibig ni Iya.

Ako naman ay tumingin kay Tara upang makita kung ano ang reaksyon nya sa pang-iinsulto ni Iya. Nang sandaling lingunin ko ang reaksyon ni Tara ay nakita kong namimilog ng malaki ang mata nya at nakatitig kay Iya.

Alam kong nasaktan sya at nagulat sa sinabi ng kaibigan namin. Nakikita ko din na nagsimula ng mamuo ang luha nya, pinipigilan lang nya ang sarili nyang umiyak.

Ako ang nahiya kay Tara para kay Iya. Ano ba naman kasing pumasok sa isipan ni Iya at sinabi nya ang bagay na yon?

Tumingin ako kay Iya. Ngayon ay tinatakpan ni Dillon ang bibig nya, pero si Iya ay pilit na kumakawala kay Dillon. Hindi naman hinayaan na makawala si Iya dahil masyadong bastos ang bibig ng kaibigan namin.

Hindi ko din naman nakayanan pang manahimik kaya nagsalita na ako, "Iya. Hindi tama ang sinabi mo kay Tara, humingi ka ng paumanhin sa kanya." I told her in a serious tone.



IYA'S POV

O/////O

Nanlake ng todo ang mata ko nang sabihin sa akin ni kuya Clint ang bagay na yon. Ewan, pero sa isang idlap ay nabwiset ako ng todo sa kanya.

Kasi anong ibig sabihin nya na humingi ako ng paumanhin kay Tara? For what?

Hindi na ako nakatiis lalo pa at nakatitig ng masama sa akin si Kuya Clint. Tinabig ko paalis ang kamay ni Dillon na nakatakip sa bibig ko.

Pinagsalubungan ko din ng kilay si Kuya Clint at nag crossed arms ako, "Bakit ako hihingi ng sorry sa kanya!? Totoo naman ang sinasabi ko na bobo si Tara kasi nahihirapan pa sya sa---"

Naputol ang pagsasalita ko nang bigla na naman akong takpan ni Dillon sa bibig ko ng palad nya. Hinawakan ko ang kamay ni Dillon at pwersang pinapaalis yon sa bibig ko pero hindi nya ako hinayaan.

I looked at him.

Nag mu-mumble ako sa ilalim ng palad nya at paulit-ulit syang minumura pero hindi nya ako naiintindihan. Pinagsalubungan din ako ni Dillon ng kilay na parang pati sya ay nagagalit din sa akin.

Hindi ako makapaniwala na kinakampihan nila si Tara kesa sa akin, samantalang ako ang kaibigan nila! Tsaka gusto pa nila akong humingi ng paumanhin?

Wala namang mali sa sinabi ko! I'm just stating the fact!

"Iya watch your words!" Sabi sa akin ni Dillon sa mahina pero gigil na paraan. Kaya uminit ng todo ang ulo ko at inangat ang binti ko.

Akmang sisipain ko sya pero sinalag ni Dillon ang binti ko.

"Iya kapag hindi ka tumigil, aalis na tayo dito." He said.

Nanlake ang mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kasi sinabi sa akin ni Dillon na aalis na kami dito?

A-Ayoko pang umalis.

Hindi ko nagawang makapalag kay Dillon dahil sa sinabi nya. Lumipas ang oras at natahimik sa bawat sulok ng office ni Ninong Ethan. Ang mga mata nila ay nakamasid lamang sa akin at medyo nailang ako. Sa paraan ng pagtitig nila ay pakiramdam ko, nag i-iskandalo ako.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now