ETHAN'S POV
Nakahiga ako sa hospital bed yakap yakap si Ashley. Nakatulog na ang isang to dahil sa kakaiyak, niyakap ko lang kasi sya kanina habang nagwawala sya hanggang sa dapuan sya ng antok.
Mabuti na nga lang at nakatulog sya pero sigurado akong mamaya, pag nagising sya ay magwawala na naman sya at iiyak.
I know her very well.
"Dad."
Mula dito sa hospital bed ay tumingin ako sa may lounge sofa. Nakita kong tumayo na doon sina Clint, Dillon, Lincoln, Felix at Kye.
Marahil ay uuwi na sila, medyo malalim na kasi ang gabi.
"Mauna na muna po kami sa bahay. Naiyak daw po kasi si Izaiah, hindi daw po mapatahan nina ninong Adrian." Clint said at me.
I nod at him and, "Mag iingat kayo." I said.
Pagkasabi ko noon ay nakita kong hindi gumalaw si Clint at nanatili lang nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang din sya at pinag-aaralan ko ang reaksyon nyang yon.
Hanggang sa iniwas ni Clint ang tingin sa akin, "D-Dad pasensya na kayo sa nangyari sa court kanina." He uttered.
Nagulat ako sa sinabi ni Clint. Hindi nag response ang nerve cells ko pero sa paglipas ng oras ay napangiti ako at inalis ang pagkakatitig sa kanya.
Inilipat ko ang tingin ko kay Ashley na natutulog sa braso ko. Ang salitang sinabi ni Clint at bahagyang nakapagpagaan sa loob ko.
"It's alright. Pasensya ka na din sa nangyari." Sagot ko sa kanya.
Sumulyap ako kay Clint at nakita ko syang ngumiti sa akin. "Mauna na po kami Dad." He said and turn his back at me.
Naglakas na silang limang magkakapatid papunta sa pintuan at lumabas doon. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa...
(Creaking door sound)
Tuluyan na silang nawala sa loob ng kwarto na to. Naiwan kaming dalawa ni Ashley at muling nabalot ng katahimikan ang paligid.
Humigpit ay yakap ko sa maliit na katawan ng asawa ko. Humarap ako kay Ashley at pinagmasdan ang mukha nya.
Ngayon ay hindi ko na naman mapigilang humanga sa taglay na ganda ng babaeng to. Bakit kung kailan patanda tayo ng patanda ay tsaka ka paganda pa ng paganda lalo.
You are such a blessing sent from above.
(Phone Ringing)
Nawala ako sa pagkakatulala ko sa magandang mukha ng asawa ko nang marinig kong tumunog ang phone ko sa may bulsa ko. Kinapa ko agad ang phone sa may bulsa ko dahil ayokong magising pa si Ashley.
Gusto ko pa syang malambing, kapag nagising to ay sigurado akong magwawala lang to.
Kaya naman nang makuha ko ang phone sa bulsa ko ay inangat ko yon sa harapan ko. I swiped the screen using my thumb and answered the call.
Si Bianca kasi ang natawag.
"Bianca?" Sabi ko sa kabilang linya ng phone.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...