FORGIVENESS

55 4 0
                                    

IVOE'S POV

Ang galit na nararamdaman ko para sa magulang ko ay naudlot nang bigla nalang lumitaw si Tara at binigyan ako ng yakap. Ngayon ay sakit at pangungulila ang nangingibabaw sa akin.

Ang tagal kong hinangad ba maramdaman muli ang yakap nya.

"Tara..." mahinang bigkas ko sa hangin.

Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin na tila ba wala na syang balak pakawalan ako. Ang totoo nyan ay gusto ko syang yakapin pabalik, pero hindi ko magawa.

Kasi tang-ina nalilito ako sa kilos ni Tara! Bakit sya ganito? Hindi ba at may relasyon sila ni Clint, pero bakit ganito sya? Bakit pakiramdam ko ay mahal pa din nya ako at ang tagal nyang nangulila sa akin.

Sa higpit ng yakap nya, nararamdaman ko lahat ng yon!

"Stay away from my boyfriend!"

O. O

Narinig ko ang boses ni Iya. Nagmadaling lumapit si Iya sa amin at tinulak si Tara, pero imbis na lumayo si Tara ay mas hinigpitan lang nya ang yakap sa akin.

Pero bakit Tara?

"Layuan mo ang boyfriend ko!" Hanggang sa sumigaw na si Iya at kumapit ng mahigpit sa braso ni Tara. Pilit nya tong hinihigit palayo sa akin, galit na galit ang girlfriend ko. Umiirit sya at nakikita ko sa reaksyon ni Iya na parang iiyak sya.

"Hindi ko lalayuan si Ivoe!" Sigaw ni Tara.

I looked at her. Nanatili syang nakayakap sa akin at ngayon ay nakita kong lumuluha ang mata ni Tara. Ang mukha nya ay sinubsob nya sa chest ko at sa ginawa nya ay mas ginagalit lamang nya si Iya.

"Anong problema mo!? Malandi ka! Layuan mo ang boyfriend ko---" irit ni Iya at nagsimula na syang manakit. Hinawakan nya sa buhok si Tara at doon hinigit.

Pero kahit na anong gawin ni Iya ay hindi ako binitawan ni Tara. Umiyak lang ng umiyak ang ex girlfriend ko sa chest ko.

Nasasaktan akong nakikita syang ganito, pero hindi ko alam kung paano mag re-response. Naguguluhan pa ako at nagugulat sa mga nangyayari.

Until...

"Iya!"

Narinig namin ang boses ng isang lalake sa paligid. Nilingon ko yon at nang sandaling makita ko sya ay hindi ko mapigilang ma-bad trip ng sobra. Ang mukha ko ay bumusangot.

Dahil ang lalakeng tinititigan ko ay walang iba kundi si Clint!

"Iya stop!" Mabilis na lumapit sa amin si Clint. May buhat-buhat syang bata sa braso nya.

Nang sandaling makalapit sa amin si Clint ay hinawakan nya sa braso si Iya at hinigit palayo sa amin ni Tara. Nagwala si Iya at alam kong gustong-gusto nyang saktan si Tara, pero dahil sa lakas ni Clint ay hindi na nakalapit pang muli sa amin ang girlfriend ko.

"Anong problema nyong dalawa Tara at Kuya Clint? Bakit nyo ginugulo ang relasyon namin ni Ivoe?" Iya shouted angrily.

Humarap si Iya kay Clint at pinagsusuntok sa chest ang binata. Pero kahit anong gawin na pananakit ni Iya sa taong yon ay hindi pa din sya pinakawalan ni Clint.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now