DISADVANTAGE OF BEING BLIND

70 3 0
                                    

ETHAN'S POV

"Mr. President, 5 mins nalang po bago mag start ang meeting sa conference room. Pinapapunta na po lahat doon ng CEO." Lei told me.

Nakaupo lang ako sa desk chair ko at nire-review ang mga files na binigay sa akin ni Adrian para sa meeting mamaya. Minabuti kong lingunin si Ashley pagkasabi ni Lei sa akin ng bagay na yon.

Nakaupo ang asawa ko sa lounge sofa at patuloy sya sa pagkain ng chocolate. Napaka-amos na ng isang to pero napakacute nya. Kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kanya.

May paningin man sya o wala, ganito talaga sya kumain ng chocolate. Yung tipong mag-aamusin sya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Inangat ko ang kamay ko at dinampot ang tissue na nasa table ko tsaka naglakad palapit kay Ashley. Nang makalapit ako sa kanya ay lumuhod ako sa harapan nya.

Kinuha ko ang kahon ng chocolate na nakapatong sa hita nya at itinabi yon sa sofa.

"Ahh! Ang chocolate ko!" irit nito, tila ba nagalit nang kuhain ko sa kanya ang kahon. Dahilan lamang para mapahagikhik ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Ashley at pinunasan ang mga palad nyang puro stain ng chocolate. "Isasama kita sa conference room. Tama na ang pagkain ng chocolate." I explained.

Pagkatapos kong punasan ang mga palad nya ay sinunod ko naman ang pisnge nya. Ganun din ang labi.

"Uhm. Kuya, hindi ba ako makakaabala don?" she asked me.

Sinulyapan ko si Ash sa mukha nya. Tulala lang sya sa kawalan pero magkasalubong ang kilay nya. Alam kong natatakot syang makagawa ng makakaabala sa meeting.

Pero hindi ko kayang iwan lang si Ashley mag-isa dito. Natatakot din akong baka may mangyaring masama na naman sa kanya.

"Nahh. Mauupo kalang naman sa tabi ko." I explained.

"P-Pero kuya---"

"No buts. Halika na." sabi ko rito at hinawakan ko sya sa braso nya. Inalalayan ko si Ashley na tumayo. "Sasamahan muna kita magpalit ng damit." I added as I pulled her.

Hindi naman nagsalita si Ashley at sumunod lang sya sa akin.



ASHLEY'S POV

Naglakad kaming dalawa ni kuya. Hatak-hatak lang nya ako at hindi ko alam kung nasaan na kaming dalawa. Pero alam kong dadalhin nya ako sa banyo para makapagpalit ng damit.

(Creaking door sound)

Ilan sandali pa ay narinig ko ng tumunog ang isang pintuan. Pinagpatuloy ako ni kuyang hatakin sa braso ko at may ideya na din akong nasa banyo na kaming pareho.

Muli kong narinig na tumunog ang pintuan. He closed it. Kasunod na noon ay naramdaman ko ang mga kamay ng asawa ko na dumapo sa likod ko.

He started unzipping my dress.

Nakatayo lang ako at walang kibo. Nararamdaman ko din ang pamumula ng mukha ko. Nahihiya hindi dahil sa hinuhubadan nya ako, bagkos ay dahil nagiging abala ako ng ganito kay Kuya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now