YOU ARE MY RESPONSIBILITY!

78 3 0
                                    

ASHLEY'S POV

Umuwi kami ni Lincoln sa bahay pagkatapos namin mag-gala sa mall at mag-dinner sa bahay nina Geoff. Nakakapagod na araw to sa akin, kaya kahit gusto kong pumunta sa hospital ay mas pinili ko nalang mag stay sa bahay para magpahinga.

Pumasok kami ni Lincoln sa main door ng bahay at ngayon ay patungo sa hagdan. Balak na sana naming dalawa na pumunta sa mga kwarto namin ang magpahinga pero nang oras na makarating kami sa may hagdan ni Lincoln ay natigilan kami.

Napansin ko kasi ang isang matangkad na lalakeng nakaupo sa lounge sofa.

"Dillon." Tawag ko rito.

Nakatitig lang sya sa akin at kay Lincoln ng diretso. Hindi sya nagsasalita at hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya.

Hindi ko kinaya ang nagharing katahimikan dito sa sala kaya muli akong nagsalita, "Bakit hindi ka pa tumataas sa kwarto mo? May hinihintay ka Dillon?" Mahinahong sabi ko sa kanya.

Marahan na tumayo si Dillon at, "Lincoln mag-usap nga tayo." Dillon told him.

Sandaling natigilan si Lincoln. Marahil ay nagulat sya sa sinabi ni Dillon. Hindi ko alam ang motibo ni Dillon pero nakakatakot ang blanko nyang ekspresyon.

Para bang may kinagagalitan sya at hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Nabigong magsalita si Lincoln. Si Dillon naman ay humakbang palayo at nilagpasan kami. Sinundan ko sya ng tingin.

He went out of the door.

Ilan sandali pa ay naglakad na din si Lincoln at sumunod sa kuya Dillon nya. Pumunta din sya sa may pintuan ng sala at lumabas sa bahay.

Gusto ko silang sundan, pero hindi ko magawang maihakbang ang mga binti ko. Ito kasi ang unang beses na nakita ko ang ekspresyon ni Dillon ng ganun.

Napakatindi at nakakatakot.

LINCOLN'S POV

Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa garden. Nakasunod lang ako kay Dillon dahil sinabi nya na gusto nya akong makausap.

Palaisipan sa akin kung bakit gusto nya akong makausap. Pero ang mga mata nyang nakatitig sa akin nung nasa sala pa kami ay nagsasabi na galit sya.

Pero bakit?

"Lincoln." Mahinang bigkas ni Kuya Dillon.

Ngayon ay nasa garden kami parehas. Tinigil na nya ang paglalakad nya at humarap sa akin. Tinigil ko na din ang paglalakad ko at tumitig sa mata ng nakatatanda kong kapatid.

"Kuya Dillon may kailangan ka ba sa akin?" I asked. Pinilit kong umaktong normal kahit na natatakot ako sa tingin sa akin ng kapatid kong ito.

Until kuya Dillon parted his lips, "Itigil ko ang relasyon mo kay Deborah."

O. O

Ang mga salitang sinabi ni Kuya Dillon ay syang nakapagpatigil sa akin. Nablanko ako sandali at hindi makapag-isip ng tama.

Itigil ang relasyon kay Deborah?

Alam nya na may relasyon kami ni Deborah? Pero paano nya namalan yon, tsaka akong dahilan para palayuin nya ako dito.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now