CAPTIVATING BEAUTY

87 7 0
                                    

CELINE'S POV

*Cough*

Mabilis akong naupo mula sa pagkakahiga ko at umubo-ubo. Nagsimula din akong mag habol ng hininga ko at napakagulo pa ng isipan ko sa sandaling to.

Hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko alam kung bakit ang dami-daming tao na nakapalibot sa akin.

Sa mga oras na to ay gusto ko lang mapunan ng hangin ang baga ko.


"Are you alright?"


O. O

Lumingon ako sa gilid ko nang may nagsalitang lalake rito. Sa pag harap ko doon ay syang pamimilog din ng mga mata ko.

Dahil ngayon ay katabi ko na ang...lalakeng kanina ay hinahabol ko lang. Nakaluhod sya sa gilid ko at paulit-ulit na tinatapik ang likod ko.

Automatikong kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa haplos ng mainit nitong palad sa katawan ko, lalo pa at napakalapit nya sa akin. Nakikita ko ng ayos ang napakagwapo nyang mukha.

May tubig na tumutulo sa buhok nya pababa sa mukha nya, ang maskulabo nitong katawan ay bumakat sa basa at manipis nyang shirt. Sa sandaling to ay ang hirap itanggi na napaka-gwapo ng lalakeng to.

Parang isang panaginip ang senaryong ito, I feel like I'll have a nosebleed!



"Daddy!"


O. O


Nawala ako sa pagkakatulala ko sa lalakeng yon nang biglang may lumapit na isang batang babae sa aming dalawa. Mabilis na yumakap ang babaeng yon sa lalakeng to.

Pinagmasdan ko silang dalawa at habang pinag-aaralan ang mukha nila ay nakikita ko ang parehas nilang itim na Iris.

Pero sino ang batang to?


"Daddy why did you kiss her!?" Hagulhol ng batang babae na yon at hinampas hampas sa chest nya ang lalakeng yon.

Daddy? Tinawag nya ang lalakeng to na Daddy? Teka anong ibig sabihin noon?

Huwag nyo sabihin sa akin na may anak na ang napakagwapong nilalang na to!?



Nanlake ang mga mata ko sa mga bagay na narinig ko. Sa totoo lang ay ayokong maniwala dahil nagdudulot ito ng bahagyang sakit sa dibdib ko. Napaka hirap tanggapin na may nag mamay-ari na sa isang to.

I mean sino!? Napaka swerte naman ng babaeng yon!


"I didn't kiss her Izaiah, I rescue her through CPR." Paliwanag ng lalakeng yon sa batang nag ngangalang Izaiah at sa narinig ko ay mas lalo pang nanlake ang mata ko. Ang puso ko ay mas tumindi ang pagkabog sa loob ng dibdib ko at naramdaman ko din ang pamumula ng mukha ko.

I blushed hard.

Kasi tang ina, sya ang taong nag CPR sa akin? Ibig sabihin ba noon ay...

Napalagok ako sa bagay na iniisip ko. Ang kamay ko ay inangat ko papunta sa labi ko. I touched my lips ever so gentle.

Did he kissed me?


BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now