YUNI'S POV
Naupo muna ako sa may table dahil sobrang hilong-hilo na ako sa pagsasayaw. Tumatalab na din sa akin ang alak.
Pero ang mga kasamahan ko ay patuloy sa pagsasayaw sa may palibot ng bonfire.
Pinanood ko sila at hindi mapigilang mapangiti. Lalo na at nakatitig ako kay Ace na nakikipag sayaw kay Letizia. Talagang binata na ang mga anak namin at maganda ang samahan nilang magkakaibigan.
"Yuni."
Nawala ako sa pagkakatulala ko nang marinig ko ang boses ni Claude. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko na naglalakad si Claude papunta sa akin.
Akay-akay nito si Scarlet. Ang mata ng anak kong bunso ay mapungay na, alam kong ano mang oras ay makakatulog na to.
Kasama din ni Claude na naglakad papunta sa pwesto ko sina Cane, Adrian, Ethan, Brix, Valorine at Violet.
Ilan sandali pa ay nakarating na sa table na inuupuan ko ang mga taong yon. Naupo sila sa tabi ko at alam kong mga hilo na din sila dahil sa alak.
Si Scarlet ay naupo sa hita ni Claude at yumakap sa leeg ng ama nya. Sinandal ni Scarlet ang ulo nya sa balikat ni Claude tsaka pinikit ang mga mata.
Damn.
Napaka cute ng bunso kong anak, alam kong ano mang oras ay magiging dalaga na sya pero grabe pa din namin syang i-baby ni Claude.
"Binata na talaga sina Ace." -Valorine
Dahil sa sinabi ni Valorine ay tumingin ulit ako sa anak ko. Nasa may tabi sila ng bonfire ni Letizia at nagsasayaw.
"You're right." I chuckled.
"Parang dati lang karga karga pa, palagi ni Cane si Letizia pero tingnan mo ngayon. Dalagang dalaga na sya at alam na nyang makipag party sa mga kaibigan nya." Valorine said at me.
Ang mga mata ni Valorine ay nakatitig sa anak nya at parang hindi sya makapaniwala na ang baby nya ay isang ganap ng dalaga. Napaka sexy ni Letizia, may blonde hair ito kagaya ng buhok ni Ace.
Mana kasi si Letizia sa blonde na buhok ni Valorine at si Ace naman ay namana ang blonde hair nya sa ama nyang si Claude.
"Nahh. Letizia is still a baby." Narinig kong sabi ni Cane at miski si Cane ay hindi matanggap ang pagdadalaga ng anak nya.
Ang hirap naman talaga tanggapin na binata na at dalaga ang mga batang karga karga lang naman namin dati.
Pakiramdam ko maiiyak ako.
"Balita ko may nanliligaw na kay Letizia." Claude chuckled.
Bumuntong hininga si Cane kaya naman napahagikhik din ako. Ang sakit sa ulo kapag may anak kang babae, pakiramdam mo ano mang oras kailangan mo syang protektahan sa mga lalakeng manloloko.
Hindi ko nilalahat ha, pero kasi mga bata pa sila. Wala pa sila sa stage ng pag se-seryoso.
"Malaman ko lang naman kung sino ang lalakeng yon ay ako muna ang makakaharap nya." Sagot ni Cane at inangat ang isa nyang braso. Pinakita nya ang maskulado nitong biceps at hindi na namin napigilan ang paghahagikhikan namin dito.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...