LETIZIA'S POV
Nasa gubat kaming dalawa ni Ace at nagawa naming takasan ang mga daddy namin.
Pero alam kong hinahanap pa din kami nina Daddy, kaya hindi pa din maalis ang kaba ko. Kasi once na makita nila kami, sigurado akong paghihiwalayin nila kami ni Ace.
Naglalakad lang kami ni Ace sa madilim na gubat at magkahawak ang kamay. Sobrang dilim at natatakot ako pero kailangan kong magtiis dahil gusto kong makasa si Ace ng mas matagal.
"Letizia, halika dito muna tayo." Sabi ni Ace at inalalayan nya ako pumasok sa isang kweba. Sobrang nakakatakot ang kweba kaya humawak ako ng mahigpit kay Ace.
"Ace ayoko dito." Sabi ko sa kanya.
Humagikhik ito at inakbayan ako. Niyuko nya ang ulo nya at hinalikan ako sa noo ko, "Nandito ako Letizia. Hindi kita papabayan." He softly chuckled.
Labag man sa loob ko ay wala akong nagawa. Sabay kaming humakbang ni Ace papasok.
Nang makapasok kaming dalawa ay wala na akong nakita dahil sobrang dilim dito. Ang tanging nagawa ko lang ay yakapin na si Ace sa braso nya dahil takot na takot na ako.
ACE'S POV
Damn.
She's so soft.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Letizia dito sa loob ng kweba ay paulit-ulit akong lumalagok dahil nararamdaman ko ang mga braso nyang nakayakap sa braso ko.
Napaka tahimik sa kweba at napaka dilim. Hindi ko sya makita pero hindi yon naging hadlang sa tuksong bumabalot sa akin ngayon.
Sobrang bango ni Letizia at kahit hindi ko sya nakikita ay nai-imagine ko ang itsura nya sa isipan ko.
She's wearing two piece.
Hindi yon nakakatulong sa tuksong nararamdaman ko. Hindi ko matagalan ang pangangailangan ko bilang lalake. Gustong-gusto kong angkinin ng buong-buo si Letizia, pero puta alam kong magagalit sya kapag ginawa ko yon!
Sasabihin lang nya sa akin na yun lang din ang habol ko sa kanya. Kagaya ng ibang mga babaeng napaglaruan ko.
Kung alam lang sana ni Letizia na handa akong pakasalan sya.
"We can stay here, for a moment till dawn." Sabi ko kay Letizia at naupo ako. Hinigit ko din sya paupo dito sa loob ng kweba.
Pero sa pag-upo ko ay....
O//////O
Naramdaman ko ang pag-upo ni Letizia sa mga hita ko na syang kinapula ng mukha ko ng todo. Ang puso ko ay kumabog ng sobrang lakas and I became hard as rock.
"Ahh! Ace, ano yan?" Galit na sabi sa akin ni Letizia.
Syempre kinain ako ng matinding hiya ko at pautal-utal pa akong nagpaliwanag sa kanya, "I-it's involuntary. I'm sorry, naupo ka kasi sa hita ko."
"Ganun ba." Sabi nito at akmang tatayo. Nagulat ako sa pagtayo nya kaya naman mabilis kong iniyakap ang dalawa kong braso sa bewang nya at hinigit ulit sya paupo sa akin.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romantik"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...