ETHAN'S POV
Halos masemento ako sa kinatatayuan ko pagkatapos ng rebelasyon ni Dillon. Ang mga bagay na sinabi nya sa akin kanina ay paulit-ulit na tumatakbo sa loob ng isipan ko.
Nakabuntis si Dillon?
Tang-ina, hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at sasabihin ko.
Ni wala ngang girlfriend na pinapakilala sa akin ang batang to tapos malalaman ko na bibigyan na nya ako ng apo.
Nakakatakot ang supresa ng mga batang to. Una si Clint na walang girlfriend pero kinasal na agad tapos ngayon ay ito naman. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay palagi akong bibigyan ng mga anak ko ng sakit sa puso?
"D-Dillon." Pinangatalan pa ako ng boses nang sabihin ko yon. Masyado akong nagulat kaya hindi nyo ako masisise!
Namimilog ang mata ko ng malaki habang nakatitig sa anak kong lumuluha. Nasa state of shock pa din ako. Ang mata ni Dillon ay punong-puno ng pagsisise at habang lumilipas ang oras ay bumabalik ako sa katinuan ko.
Alam kong nakakagulat to, hindi pa ako handa sa ganitong bagay pero bilang pundasyon ng pamilyang to kailangan kong umakto ng akma.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Nang makakuha na ako ng lakas ng loob na magsalita muli ay, "Dillon tumahan ka." I told him.
"I'm sorry Dad---"
"Wala kang dapat ikahingi ng pasensya. Nandyan na yan." Sabi ko rito at inangat ang isa kong kamay. Dinala ko yon sa balikat ni Dillon and I pat him there.
Tumingin si Dillon sa mga mata ko pagkatapos noon kaya naman ngumiti ako.
"Dad..." he said weakly.
"Totoong nakakagulat ang balita mo, pero hindi ibig sabibin ay magagalit ako. Anak mo yon at magiging apo ko, mamahalin ko ang batang yon kagaya ng pagmamahal ko sa inyo kaya walang rason para umiyak ka." Paliwanag ko sa kanya.
Kasunod na noon ay ang pag-iyak muli ni Dillon. Ang isa nyang braso ay itinakip nya sa mga mata nya, paraan nya yon para itago at pawiin ang luha nya. Pero tila ba walang paraan para matigil sa pag-iyak ang anak kong ito
Kaya naman hinigit ko sa balikat si Dillon palapit sa akin. I opened my arms and then hugged him. Yumakap din sa akin ang anak kong ito at sinubsob ang luhaan mukha sa balikat ko.
"It's alright." I said weakly, trying to calm Dillon. Tinatapik-tapik ko din ang likod nito. "Alam na ba to ng side nung babae?" I added.
But Dillon shook his head.
Hmm...
Sigurado akong hindi pa din talaga handa si Dillon sa ganito. Pero nandito na to, wala kaming pwedeng ibang gawin kundi tanggapin, harapin at mahalin ang parating nyang anak.
"Huwag kang mag-alala, bukas sasamahan kitang kausapin ang mga magulang ng girlfriend mo. Ipapaalam natin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis nito." I told Dillon. Patuloy ako sa pagtapik sa likod nito.
Walang imik si Dillon.
Minabuti ko muling magsalita, "Sino ba ang maswerteng girlfriend mo?" Pabiro kong sabi at humagikhik. Ginawa ko lahat para pahupain ang tensyon.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...