ADRIAN'S POV
Nakaupo ako sa desk chair ko, kaharap ang office table ko. Nakahalumbaba ako dito at nakamasid sa asawa kong nasa corner ng office ko.
Nakaharap sya sa phone nya at nagsasasayaw. Sigurado akong yung Tiktok apo na naman ang pinagkakaabalahan nya. Ang alam ko kasi 12 million na ang follower nya don.
Nandito din sa office ko sina Ares, Nicole, Amara, Ares, Clint at Dillon. Lahat sila ay nakaupo sa lounge sofa at pinapanood din si Dite na magsayaw.
Maayos naman ang office ko noong una pero nagbago ang lahat nang marinig naming magbukas ang pintuan.
(Creaking door sound)
Natigilan si Dite sa pagsasayaw. Ang buong atensyon namin ay nakuha ng taong pumasok sa pintuan kaya lumingon kaming lahat doon.
"Damn. Ano yon?!" Ares said. Agad nyang tinakpan ang ilong nya at parehas lang kami ng naging reaksyon ng anak ko.
Kahit ako ay tinakpan ko ang ilong ko dahil kumalat ang malansang amoy dito sa bawat sulok ng office ko. Hindi ko alam kung ano yon, pero aware na ako na kay Ashley nagmumula ang matindig amoy na yon.
Nag shy smile si Ashley sa aming lahat at gumawa ng hakbang palapit sa office table ko. Tumakbo palapit si Dite sa tabi ko at tumayo doon.
Si Ashley naman ay tumayo sa harapan ng table ko.
"Ash ano yang hawak mo? Panis na ba yan?" Dite ask Ashley. Tinuro pa ni Dite ang hawak ni Ashley. Pinagmasdan ko din yon at napagtanto ko na itlog ang dala ni Ash.
"Saan ka naman nakakuha ng bulok na itlog?" I asked. Nanatiling nakatakip ang forearm ko sa ilong ko para lamang hindi ko malanghap ang malansang amoy nito.
"Ahh! Hindi to panis at mas hindi to bulok! Balot kaya to!" Galit na sigaw ni Ashley sa amin. Nag pout pa ito at alam kong napikon sya.
Pero akala ko kasi ay bulok na itlog yon, I mean napakalansa masyado. Ganun pala ang amoy ng isang balot. Sinong makakaatim na kumain noon?
"Eh bakit may balot ka Ashley?" Dite asked her.
Pagkatanong ni Dite nang bagay na yon ay inangat ni Ashley ang hawak nyang balot sa mismong harapan ko, kaya naman umurong ako ng konti dahil mas tumindi lamang ang amoy nito.
"Ash ano ba yan?" Angal ko dito. Ang mga braso ko ay idiniin ko sa ilong ko, in order to filter the scent of the egg.
"Adrian, kainin mo ang sisiw para sakin!" Utos nito sa akin at nanlake ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Anong sisiw ang pinagsasabi mo!?" I said angrily.
Nagsalubong ang kilay ni Ashley at nakita kong ginalaw nya ulit ang itlog. Ngayon ay dinala nya yon sa ulo ni Dite at nakita kong inihampas nya ang itlog sa asawa ko.
"Ahh! Mr. CEO! Si Ashley oh!" Irit ni Dite at inihawak ang dalawa nyang kamay sa noo nya.
I furrowed my eyebrows, "Ashley!" Saway ko dito. Pero hindi ako pinansin ni Ashley. Nang mabasag nya kasi ang itlog sa ulo ni Dite ay nakita ko na sinimulan na nyang buksan ang shell nito.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...